Alessandra De Rossi, ipinaliwanag ang rason kung bakit nya ibinibenta ang isa nyang sasakyan

Sa panahon ngayon na ating kinakaharap ang pandemya, napakahalagang sumunod sa mga protocols katulad ng paghuhugas ng mabuti ng mga kamay, pagsusuot ng mask tuwing lalabas ng bahay, at ang pag stay at home lalo na kung wala naman importanteng gagawin sa labas.



Credit: @msderossi instagram

Samantala, tinutuo naman ng aktres ang pagsunod sa protocol na “stay at home” dahil hindi pa rin lumalabas ng bahay ang aktres na si Alessandra De Rossi at hindi rin siya tumatanggap muna ng trabaho. Kahit miss na miss na daw niyang magtrabaho ay hindi pa rin siya tumanggap ng anumang proyekto.

“Nung sinabing stay at home, tinutoo ko siya. And of course sa stay at home na ‘yon wala kang financial na papasok, it’s all palabas. Lahat ng projects tinatanggihan ko rin,” pahayag ng aktres sa Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News “24 Oras” noong nakaraang Lunes.

Credit: GMA News Youtube



Dahil nga no work no pay ang aktres, wala siyang income na dumadating ngunit may binabayaran na bills kaya kinakailangan niya munang ibenta ang kanyang isang sasakyan.

“Dalawa yung sasakyan ko. Binili ko lang yung isa pang relyebo sa coding dahil nga ‘pag coding hindi ako lumalabas natatakot akong mahuli ng MMDA,” dagdag niya pa ng aktres.


“Binebenta pa lang po. Wag nyo ako unahan at uutangan na naman ako. Any takers?(tears of Joy emoji),” saad ni Alessadra sa kanyang tweet kamakailan lang at ipinapaliwanag na hindi pa nabibili ang naturang sasakyan at hanggang ngayon ay ibinibenta pa rin.

Sa kabilang banda, ready na daw ang aktres na maging tita ng kanyang parating na pamangkin sa kapatid niyang si Assunta de Rossi. Masayang ibinahagi ni Alessandra ang kanyang excitement sa bagong miyembro ng kanilang pamilya.



Credit: @msderossi instagram

“Sobrang excited kami as in ‘yung mommy ko sa Italy namimili na ng mga baby clothes,” sabi niya. “Ang bilis ng mga pangyayari, ‘yung ganun.” “Pero nandun na rin ako sa…kapag nanganak siya I think I have to be there,” dagdag pa ng aktres.