Nanay ni Gerald Anderson, napaiyak sa tuwa dahil sa ipinadalang surpresang regalo para sa kanya

Ang makitang mapasaya ang iyong mga mahal sa buhay mula sa simple o magarbong paraan ay iba ang kasiyahan na kapalit sa mga taong may busilak na kalooban.



Credit: Gerald Anderson Youtube

Isang nakakaantig na video ang ibinahagi ng aktor na si Gerald Anderson noong August 3 sa kanyang YouTube channel, na makikitang sinorpresa ang kanyang ina na si Evangeline Opsima na kasalukuyang naninirahan sa General Santos City.

Isa sa mga kahilingan ng kanyang ina ang magkaroon ng isang multicab na syang magagamit nito para sa kanilang business.

Credit: Gerald Anderson Youtube

Kaya naman sa kabila ng pag-aalala ng aktor dahil sa pandemyang nararanasan ngayon sa bansa ay hindi nagdalawang-isip si Gerald na tuparin ang kahilingan ng kanyang ina at regaluhan ito ng isang pick-up truck.

Credit: Gerald Anderson Youtube

“May konting surprise para sa nanay ko. Actually matagal na niyang nire-request ito. Hindi rin ako sigurado kung ito ang perfect time para ibigay sa kanya ito. Siyempre ang dami nating pinagdadaanan, pandemic and lockdown. Siyempre shutdown ang livelihood naming lahat,”

Ayon kay Gerald ang kanyang Mommy Vangie ay isa sa mga itinuturing nito na ‘great inspiration’ niya upang mas pagbutihin pa ang kanyang trabaho.



Credit: Gerald Anderson Youtube

“But you know, yung nanay ko ay isa sa pinaka-motivation ko sa buhay ko para mas pagbutihan yung trabaho. So yung kaunting request niya binigay natin. Sana makapagbigay ng kaunting saya at kaunting sorpresa para sa kanya,”

Sa pagdating ng sorpresa ni Gerald sa bahay ni Mommy Vangie ay makikita naman ang labis na pagtataka nito nang makita ang isang bouquet ng bulaklak na ayon sa kanya ay wala naman okasyon para makatanggap ng ganoong regalo.

Credit: Gerald Anderson Youtube

Kaya nang lapitan nya ito ay agad naman nyang napansin ang isang silver na pick-up truck, na nakaparada sa labas ng kanilang bahay at dahil doon nagsimula ng maging emosyonal si Mommy Vangie ng malaman nitong galing sa kanyang anak na si Gerald ang regalong iyon para sa kanya.

Credit: Gerald Anderson Youtube

“It’s not my birthday. I’m very surprised RJ. I know you don’t have money. You do not make income yet. but I really appreciate it RJ thank you.”



Sa kabila ng ginawang sorpresa ni Gerald sa kanyang ina ay naging daan naman ito upang hangaan sya at magsilbing inspirasyon para sa maraming netizens.

“wow i love how you surprise your mom. You’re an inspiration to all!”

“That’s why you are blessed because you do care for your parents. More blessings Gerald.”