Daniel Padilla, ipinakita ang kanyang kabutihang loob sa driver ng tricycle na nakabangga sa kanyang sports car

Sino ang mag-aakala na ang isa sa mga hinahangaan ng karamihan na aktor na si Daniel Padilla, ay pinatunayang hindi lang sya mapagmahal sa kanyang pamilya at kasintahan kundi isa ring matulungin sa kanyang kapwa mamamayan.



Credit: Daniel Padilla Instagram

Isang nakakaantig na video ang nag-viral ngayon sa social media, na kung saan ay makikitang tinulungan ni Daniel ang isang tricycle driver sa kabila ng nangyaring banggaan sa pagitan ng minamaneho na sports car ng aktor at ang pinapasada ng tricycle driver.

Ang video na ito ay kuha ng 2 netizen na sina Jessica De Vera Tamayo at Reynaldo Duron na siyang nakasaksi sa nangyaring insidente sa may Fairview, Quezon City kaninang hapon.

Makikita sa video na tila’y nabangga ng tricycle driver ang rear bumper ng sports car ni Daniel at makikita naman ang pagiging kalmado ng aktor habang kinakausap ito.



Mula sa video na in-upload ni netizen Reynaldo ay mapapansin ang pag-iingat at concern ng aktor nang sabihan nya ang mga taong malapit sa kanila na mag-social distancing.

Sa kabila ng nangyaring insidente kay Daniel ay pinatunayan nitong mas mahalaga pa din ang makatulong sa ibang tao kaysa pairalin ang emosyon mula sa nangyari.

Kaya naman bago matapos ang usapan nila ng tricycle driver ay binigyan nya ito ng pera upang makatulong.

Maraming netizen ang naantig at hindi inaasahan ang naging reaksyon at pagtulong na ginawa ni Daniel para sa tricycle driver.



“Daniel is a beautiful person inside and out. God bless your heart always”

“Amazing. Mga taong binblessed pa lalo ng panginoon lalong itinataas hindi lang sa estado ng buhay! Proud of you Dj sana madami pang dj sa mundo😊😍

Credit: Daniel Padilla Instagram

“It just shows that he was raised well by Karla Estrada. Great job to the mom!”

Labis naman ang naging pag-aalala ng mga supporters ni Daniel at upang mapanatag ang mga ito ay nag-update ang kanyang ina na si Karla Estrada at sinabing okay lang ang kanyang anak.

“Guys ok si DJ . Kaunting gasgas Lang sa sasakyan. At syempre everybody happy! No Problem! Tuloy ang buhay! 😍😍😍😍