Kathryn Bernardo, nagkunwaring prank caller sa kanyang mga subscribers at namigay ng surpresa sa kanila kasabay ng kanyang pasasalamat sa natanggap na tagumpay

Isang masayang celebration ang sinalubong ng isa sa mga box-office queen actress, na si Kathryn Bernardo ng makamit nya ang 2 million subscribers nito sa kanyang Youtube channel na ‘Everyday Kath’.




Credit: @bernardokath instagram

Matatandaan na noong January 3, ay sinimulang pasukin ni Kathryn ang kanyang vlogging career na kung saan ay umabot agad ng 1 milyon ang mga sumusuporta sa kanya.

Bahagi ng kanyang celebration ay isinama at pinasalamatan ni Kathryn ang kanyang mga supporters, sa pag-unboxing ng kanyang natanggap na silver and gold play button.

Credit: Kathryn Bernardo Youtube

“My YouTube Silver & Gold Playbuttons have finally arrived and I want to share this moment with you because these were all made possible by your love and support. I cannot thank you enough!!!”

Credit: Kathryn Bernardo Youtube

“The moment na dumating ‘to, gusto ko na siya i-open but then I told myself ‘No, I have to document this moment’ and dapat yun pag-unbox ko nito kasama kayo because this is not just my accomplishment, satin ‘to lahat,”

Ngunit hindi lang doon natatapos ang kanyang naging celebration kundi isa namang twist ang ginawa ni Kathryn nang maisipan nyang i-prank call ang kanyang mga supporters.




Credit: Kathryn Bernardo Youtube

“I also really wanted to include some of you as part of the celebration, and prank-calling you guys turned out to be the BEST idea ever!!!”

Hindi lingid sa kaalaman ng mga taga-hanga ng aktres ay bahagi pala ng kanyang prank ang pagtatanong umano nito sa kanyang Instagram Stories, na kung saan ay hiningi ni Kathryn ang mga contact numbers nila para sa ipapa-give away nya na mga curated gift boxes.

Credit: Kathryn Bernardo Youtube

Mula dito ay pumili si Kathryn ng 5 mula sa kanyang mga supporters at nagpanggap bilang isang delivery guy, masseuse, and professional cleaner at sinubukan din nitong humiram ng pera mula sa isang clueless fan.


Labis naman ang kasiyahan mula sa mga supporters na natawagan ng aktres at hindi maitago ang naramdamang excitement nang makausap nila si Kathryn.




Credit: @bernardokath instagram

“Hindi naman ako umiiyak while nag sasalita si Kath. Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na nangyari to sakin 😭😭😭💙