Isang artist at kanyang mga paintings, hinangaan sa socmed na nagsilbing bunga ng kanyang dedikasyon upang lalong makatulong sa pamilya

Ang pagkakaroon ng natatanging talento ay maituturing na isang biyaya at pagpapala na syang inspirasyon para sa karamihan.

Ang isang artist mula sa Makati City na si Mikaela Gabriel Bordon, ay pinahanga ang publiko sa kanyang magagandang obra na talaga namang hinangaan mula sa kanyang dedikasyon upang matulungan ang pamilya.



Credit: Mikaela Gabriel Bordon Facebook

Si Mikaela ay isang 22 taong gulang na nakapagtapos ng Bachelor of Science in Psychology sa Centro Escolar University, at naipasa ang Psychometrician Licensure Examination noong November 9, 2018.

Credit: Mikaela Gabriel Bordon Facebook

Mula sa pagiging isang licensed Psychometrician ay naipamalas din ni Mikaela ang kanyang talento sa pagpipinta, na isa naman sa mga naging libangan nya ngayon matapos sumailalim ang NCR sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Sa kabila ng pagiging abala sa kanyang full-time job ngayon sa isang private company bilang isang recruitment assistant, ay nakaisip si Mikaela na pagkakitaan ang kanyang talento sa pagpipinta.

Credit: Mikaela Gabriel Bordon Facebook



Kaya naman hindi niya pinalampas ang pagkakataon na ito upang makatulong sa kanyang pamilya at makalikha ng iba’t-ibang klaseng obra na kanyang ginagawa sa tuwing sya ay may libreng oras at kanyang binebenta sa social media.

“Kapag po nakauwi na po ako galing trabaho, tinutuloy ko po ang pag pinta. Pero pag Sabado – Linggo po, buong araw ko po yun ginagawa.”

Bukod sa kanyang art canvas ay naisipan na rin ni Mikaela na idagdag sa kanyang artworks ang pagde-design ng mga wallets, refrigerator magnets at bookmarks.

Sa kabila ng kanyang kasipagan at dedikasyon na matulungan ang kanyang pamilya, ay naging daan naman ito upang hanggaan sya ng mga netizen.

“Wow congrats mam. Galing galing mo talga. True talented n mabait at maganda pa..”

“Galing mo talaga mikaela as in talented mahirap po mag painting god bless your job”



Credit: Mikaela Gabriel Bordon Facebook

“Wow galing mo nak Mikaela Gabriel Bordon proud mapeh adviser lng”

Malaki ang pasasalamat ni Mikaela mula sa mga taong naniwala at patuloy na sumusuporta sa kanya upang matulungan ang kanyang pamilya sa kabila ng nararanasang pandemya ng bansa.