Ang nakakatuwang bonding moments nina Vic Sotto at anak na si Tali habang kumakain ng ginataan

Mahalaga sa isang bata ang kanyang bonding at oras kasama ang kanyang mga magulang. Busy man sa trabaho ang mga magulang, mahalaga pa rin na maglaan ng sapat na oras para makabonding at makasama ng mga magulang ang kanilang mga anak lalo na habang ito ay bata pa.



Credit: @pauleenlunasotto instagram

Kasama sa paglaki ng isang bata ang makabonding at makahalubilo niya ang kanyang mga magulang. Sabi nga ng ilang pag-aaral, nakakaapekto sa behavior ng bata kapag kulang sila sa oras at atensyon ng magulang.

Credit: @pauleenlunasotto instagram

Napakaswerte nga naman talaga ni Talitha o mas kilala bilang Tali. Kahit pa artista at busy ang schedule ng kanyang Daddy Vic Sotto, at Mommy Pauleen Luna, ay hindi man niya ito randam dahil sapat at higit pa ang oras at atensyon na inilalaan nila kay Baby Tali.

Credit: @pauleenlunasotto instagram

Makikita ito sa mga IG posts mismo ni Pauleen at isa sa mga ito ay ang larawan ng kanyang mag-ama habang nag memerienda. Masarap na kumakain ang mag-ama ng classic Pinoy merienda na “ginataan”.



Credit: @pauleenlunasotto instagram

“Tali, Daddy and the ginataan,” saad sa IG ni Pauleen.

Samantala, pinost naman ni Pauleen ang sunod sunod na larawan nila na may kasama pang description nito isa-isa. Unang larawan ay makikita na takam na takam na si Baby Tali at may kasama pang caption na,

Credit: @pauleenlunasotto instagram

“1st pic: Wow! Yummy! 2nd pic: Open mouth “AAAAH” 3rd pic: Ay! Si daddy ang kumain,” kwento ni Paulene.


Nakakatuwa si Tali, dahil akala niya ay sa kanya na at hindi pa pala. Napakasweet at nakakatawang bonding nga naman ito.



Bukod dito, ibinahagi din ni Pauleen na ang ginataan ay nanggaling sa beteranang aktres na si Ms. Helen Gamboa at nagpasalamat din siya sa kanyang post.

Credit: @pauleenlunasotto instagram

Ilan naman sa mga natuwa at nagkomento ay ang mga aktres na sina Sheena Halili, Isabelle Daza, at Alessandra de Rossi.