Alice Dixson, nagdiwang ng kanyang 51st birthday na tinawag nyang ‘Secret birthday getaway’

Masayang ipinagdiwang ng aktres na si Alice Dixson ang kanyang 51st birthday kasama ang kanyang ‘love of her life’ at mga kaibigan.



Credit: Alice Dixson Youtube

Isang secret birthday getaway ang naganap noong July 28, na kung saan ay nagpunta si Alice at kanyang mga kaibigan sa isang secret beach resort.

Makikita ang kasiyahan sa naganap na pagdiriwang ng kaarawan ng aktres, mula sa video na ibinahagi nya sa kanyang YouTube channel noong August 7.

Credit: Alice Dixson Youtube

“I turned 51 this year. And to those whose birthdays have come & gone during quarantine know that these are such strange times to celebrate. Normally every year we try to do an outreach with children or elderly, however this year we focused on the frontliners & their needs. So when the opportunity arose to get some fresh air & Vitamin Sea after months of being cooped up – NO hesitation!”

Sa unang bahagi ng video ay ipinakita ni Alice ang mga bagong kaganapan at mga safety protocols na kanilang ginawa at sinunod bago makasakay ng eroplano.



Credit: Alice Dixson Youtube

“So, one of the things that we need to do before we go on our trip is the rapid testing,”

“So, we were told to come into this room to wait.”

Credit: Alice Dixson Youtube

Pagdating sa kanilang beach destination, ay muling sinubukan ni Alice ang pagwe-wakeboarding na mula sa kanyang 2nd and 3rd attempt ay nalagpasan nya ito sa sa kabila ng nerbyos na kanyang naramdaman.

Credit: Alice Dixson Youtube

Makikita naman ang page-enjoy ni Alice at kanyang mga kaibigan sa kanilang naging bonding moments, ang paglalaro ng frisbee.



Credit: Alice Dixson Youtube

Sa pagtatapos ng kanyang secret birthday getaway, ay pinasalamatan ni Alice ang kanyang mga kaibigan at kasama na rin ang kanyang ‘love of her life’ sa masayang birthday celebration na kanilang pinagsaluhan.

“Thanks to all my friends and special someone who made my 51st birthday the best it could possibly be; Despite what’s going on in the world. I am so grateful we had the opportunity to celebrate it a few days on the beach in health and happiness. By the way my 2 birthday wishes were… well, the 1st already came true… and the 2nd is that we can ALL go back to our mask FREE lives soon.”