Heart Evangelista, ipinasilip ang kanyang napakagandang painting sa isang mamahaling bag ng kanyang kliyente

Iba’t-ibang pamamaraan at libangan ang ginagawa ngayon ng mga celebrity artists upang maibsan ang kanilang stress sa kabila ng nararanasang pandemya ng bansa.



Credit: Heart Evangelista Instagram

Isa na nga doon ay ang Queen of Creative Collaborations na si Heart Evangelista, na ibinuhos ang kanyang oras sa pagpipinta upang malibang at maibsan ang stress na nararamdaman.

Credit: Love Marie Escudero Youtube

“Oh the canvas can do miracles, just you wait and see. This saying has been my mantra ever since and it never fails to calm my anxieties and inspire me to keep creating.”

Hindi lang sa canvas ipinapamalas ni Heart ang kanyang talento kung hindi pati na rin ang pagpipinta sa mga mamahaling bags.

Credit: Love Marie Escudero Youtube

Hindi inakala ni Heart na ang simpleng pagpipinta lang nya mula sa namantsahan nyang bag noon ay magiging patok at tatangkilikin hindi lamang ng mga pinoy kundi pati na rin sa ibang bansa.

“I have clients from Macao, some are calling from Dubai, so nakakatuwa, nakakarating siya ng iba’t ibang bansa. Kumbaga, yung painting ko nakakapag-travel siya,”



Credit: Love Marie Escudero Youtube

Kaya naman muling pinahanga ni heart ang publiko sa video na kanyang in-upload sa kanyang YouTube channel, na makikitang pinintahan din nya ang Hermes Kelly na bag naman ng kanyang kliyente na nasa L.A.

Credit: Love Marie Escudero Youtube

Ibinahagi ni Heart na hindi madali para sa kanya na gawin ito dahil inaabot din sya ng kaba sa tuwing nagpipinta ng mga mamahaling bags.

“I heard a lot of people wanted to see and people were curious about how I do it, do I get nervous, the answer is all the time. Every single time I pray like about four Hail Mary’s, an Our Father and one Glory Be, before I start a painting,”

Credit: Love Marie Escudero Youtube

Ang naisip ni Heart na disenyo para sa bag painting na kanyang ginawa ay 3 girl faces na ayon sa kanya ay ito raw ang ‘best representation’ ng kanyang mga masterpiece.

Makikita sa video ang pagiging maingat at focus ni Heart sa kanyang pagpipinta, at natapos nya itong gawin in 5 hours na kadalasan ay umaabot pa ng 7 hours bago matapos ang kanyang masterpiece.



Credit: Heart Evangelista Instagram

Makikita na hindi lang mahusay na aktres si Heart kundi naipamalas din nya ang kanyang kahusayan sa pagpipinta na siyang nagbigay inspirasyon sa karamihan.