Erich Gonzales, ipinakita ang kanyang daily routine at paghahanda ng pagkain para sa kanyang kaibigan na si Enchong Dee

Ang aktres na si Erich Gonzales ay hindi lang hinangaan sa kanyang kahusayan sa pag-arte kundi pati na rin sa kanyang pagiging isang vlogger mula sa mga videos na ina-upload nito sa kanyang YouTube channel.



Credit: Erich Gonzales Youtube

Muling ibinahagi ng aktres sa publiko ang kanyang ‘A day in my life’, na kung saan ito ang isa sa mga most highly requested ng kanyang mga followers sa kanya.

Kaya naman naisipan ni Erich na gawin ito at ipakita ang mga mangyayare sa buong araw nya at isama ang aktor na si Enchong Dee sa kanilang magaganap na business meeting.

Credit: Erich Gonzales Youtube

Sinimulan ni Erich ang kanyang araw sa paggawa ng morning coffee, na kung saan ay mas gusto nito ang pure black para strong at intense.

Matapos nito ay naisipang tawagan ni Erich si Enchong, upang alamin dito ang pagkain na gusto nitong kainin para sa kanilang dinner mamaya.

Credit: Erich Gonzales Youtube

Makikita naman ang pag-aalala sa aktres ng malamang steak at vegetables ang gustong pagkain ni Enchong na ayon umano sa kanya ay wala syang naihanda na vegetables para dito.

Ibinahagi din ni Erich na ang paghuhugas nya ng plato ay isa sa mga nakagawian na niyang gawin noon.



Credit: Erich Gonzales Youtube

“So guys did I told you about it na I find washing dishes very therapeutic ganun, and hindi ko talaga kaya na parang after kumain or uminom or whatever yung mga ginamit ko andyan lang nakatambak, ganun talaga ako.”

Credit: Erich Gonzales Youtube

Matapos nito ay ibinahagi naman ni Erich ang kanyang workout routine na kung saan ay ipinakita niya ang kanyang EMOM workout na tinatawag na ‘Every Minute On the Minute’.

Credit: Erich Gonzales Youtube

Sa paghahanda ng kanilang dinner ni Enchong ay ipinakita naman ng aktres ang paggawa nya ng salad with dressing kasama ang steak at naghanda din ng isang table set-up na kanya namang pinasalamatan si Mommy D na si Dina Bonnevie para sa placemat at table runner na bigay nito sa kanya.

Sa hulihang bahagi ng kanyang video ay makikita ang pagdating ni Enchong kasama ang kanyang kapatid na si Oloy.



Credit: Erich Gonzales Youtube

Nagsimulang mabuo ang friendship ni Enchong at Erich ng sila ay maging sikat na loveteam noong taong 2009.