Barbie Forteza, hindi napigilan na maiyak dahil ang akala nya ay nakalimutan na ni Jak Roberto ang kanyang kaarawan ngunit may espesyal pala itong regalo para sa kanya

Isa na namang prank ang isinagawa ng aktor at modelo na si Jak Roberto sa kanyang kasintahan na isa ring aktres na si Barbie Forteza.



Credit: Jak Roberto Youtube

Matatandaan na noong November ng nakaraang taon ay prinank din ni Jak si Barbie, tungkol sa pagsusuot nito ng sando habang walang suot na protective gear sa kanyang pagda-drive ng motor mula sa bahay nito hanggang sa makarating ng GMA Network site.

Kaya naman nitong nakaraang July 31, ay nakaisip na naman si Jak ng isang prank para kay Barbie na kung saan ay magpapanggap itong nakalimutan ang birthday ng dalaga.

Credit: Jak Roberto Youtube

Makikita sa video na in-upload ni Jak sa kanyang YouTube channel, nang simulan nito ang kanyang plano na hindi batiin ang aktres sa mga oras na iyon.

Pagpunta naman sa bahay nila Barbie ay kinuntsaba na ni Jak ang mga tao na nandoon kasama si Mommy Imelda at sinet-up na din ang dala nitong camera upang makuhanan ang magiging reaksyon ng dalaga.

Credit: Jak Roberto Youtube

Pagkakita pa lang ni Jak kay Barbie ay namangha ang aktor sa magandang ayos nito mula sa suot nitong isang maroon dress na talaga namang makikita ang kahandaan ng aktres sa kanyang kaarawan.

Sa pagpatuloy ng prank ni Jak ay pinili nito na hindi muna batiin si Barbie sa kanilang naging kamustahan at pilit sine-segway ng aktor ang kanilang usapan upang hindi makahalata ang dalaga sa kanya.



Credit: Jak Roberto Youtube

Makikita naman ang pagiging tahimik at pagsawalang kibo ni Barbie sa naging usapan ni Jak at Mommy Imelda tungkol sa naging panganganak ng kanyang Ate.

Matapos ang kanilang usapan ay nagpanggap naman si Jak na aalis upang ipa-car wash ang kaniyang sasakyan upang sya ay makakuha ng tiyempo at makuha ang regalong bulaklak at airpods sa dalaga.

Credit: Jak Roberto Youtube

Pagpasok nyang muli sa bahay ng aktres ay hinintay nya ang paglabas ng dalaga sa comfort room at binati na ito ng isang maligayang kaarawan.

Makikita naman ang pag-iyak at pagiging emosyonal ni Barbie ng malamang hindi nakalimutan ng aktor ang kanyang kaarawan.



Credit: Jak Roberto Youtube

Isa namang masayang birthday celebration ang kanilang pinagsaluhan sa pagdiriwang ng ika-23 birthday ni Barbie kasama si Jak at ang kanyang pamilya.