Yassi Pressman, ipinakita ang kanyang tuwa habang nilalaro ang kanyang alagang ball phyton na si fluffy

Masarap sa pakiramdam na magkaroon ng alagang hayop na maituturing mo na isang pamilya na iyong mamahalin at aalagaan.

Ngunit sino ang mag-aakala na ang pet lover na aktres na si Yassi Pressman ay may inaalagaan pala na isang ahas.



Credit: Yassi Pressman Instagram

November noong taong 2018 nang ibahagi ni Yassi sa publiko ang isang adopted ball python na pinangalanan nyang si Fluffy.

Nagsimulang magkaroon ng interes si Yassi sa pag-aalaga ng phyton, nang malaman nya na ang kanyang ka-trabaho sa ‘Ang Probinsyano’ na isa ring aktor na si Coco Martin ay nag-aalaga ng isang black and yellow ball phyton.

Credit: Yassi Pressman Instagram

Malaki naman ang pasasalamat ni Yassi sa kanyang co-star na si Michael de Mesa na kilala bilang isang pet lover na kung saan ito ang syang nagpakilala sa aktres kay Fluffy.

Hindi naman maikakaila ang pagkasabik ng aktres na ibahagi ito sa publiko na kung saan ay ginawan din nya ng Instagram account si Fluffy upang masilayan ng mga ito ang kanilang naging bonding moments.



Credit: Yassi Pressman Instagram

Kamakailan nga ay ibinahagi ni Yassi sa kanyang Instagram account ang kanilang naging bonding moments ni Fluffy na makikitang isinama nya ito sa isa kanyang mga shoes endorsement.

Credit: Yassi Pressman Instagram

“Happy baby! New Jordans from @titan_22 Swipe to see me playing with @yesiamfluffy that day!”

 

View this post on Instagram

 

Happy baby! New Jordans from @titan_22 ✨ Swipe to see me playing with @yesiamfluffy that day!

A post shared by Yassi Pressman (@yassipressman) on


Hindi lingid sa kaalaman ng iba na hindi lang si Fluffy ang alaga nyang python kundi ipinakilala din nya si Sky na isa ding ball phyton na iniregalo sa kanya ng isang kaibigan noong December taong 2018.

“Hey world, this is Sky. She was a gift, and I love her. Now there’s two!”


Bukod sa kanyang mga alagang phyton ay may alaga din si Yassi na mga American Bully na sina, Moolah, Rolee, Dime at Biggie Bank na kung saan ay ginawan rin nya ng Instagram account at binansagan ang mga ito na ‘The presidential bullies’.



Credit: Yassi Pressman Instagram

Pinatunayan ni Yassi na hindi imposibleng mag-alaga ng mga hayop na maituturing nyang pamilya at makakasama sa kanyang pagtanda.