Bahay ng Team Kramer, sobrang hinangaan ng isang Pinoy Architect dahil sa ganda ng disenyo at pagkakagawa nito

Ang sikat na arkitekto na isa ring YouTube vlogger na si Oliver Austria ay nagbahagi ng kanyang kumento patungkol sa bahay na ipinagawa ng celebrity couple na si Doug Kramer at si Chesca Garcia.



Credit: @dougkramer instagram

Matagal ng nire-request ng mga followers ni Oliver na gumawa sya ng house review na kung saan ang bahay ng Team Kramer ang kanyang bibigyan ng kumento.

Credit: @dougkramer instagram

Sa unang bahagi ng video ay nagbigay ng kumento si Oliver tungkol sa electrical fences na naka-install sa may frontage ng bahay ng Team Kramer.

Credit: @dougkramer instagram

Ayon sa kanya ay kadalasang misconception tungkol sa electrical fences ay hindi voltage ang nagsusukat kung gaano kadelikad0 ito, kundi ang amperage.

Pagdating naman sa wall finishing na pinili ng Team Kramer na black paint, ay nagustuhan ni Oliver ang kinalabasan nito at hindi nakita ang imperfections ng wall kahit black ang pinili nila na kulay.



Credit: @dougkramer instagram

Napansin naman ni Oliver ang Aluminum composite panel na ginamit sa wall na malapit sa basketball court na kung saan ay sinabi nya na isa ito sa mga advertised material dahil sa stain-proof at self-cleaning component na nagpaganda naman dito.

Credit: @dougkramer instagram

Ipinaliwanag naman ni Oliver ang burn stained wood na ginamit sa front door, na ayon sa kanya ay isang paraan upang palabasin ang texture ng kahoy sa pamamagitan ng pagsusunog nito gamit ang blowtorch.

Credit: @dougkramer instagram

Mula naman sa may living area ng Team Kramer ay makikita ang open below na view mula sa taas.

Credit: @dougkramer instagram

Nagustuhan din ni Oliver ang elevator sa bahay ng Team Kramer na ayon sa kanya ay isa itong ‘Big brain move’ dahil sa pagiging future proof nito, na sakaling sa pagtanda nila at di na nila kayanin umakyat pa ng hagdan.



Credit: @dougkramer instagram

Sa pagtatapos ng video ay talaga namang napabilib si Oliver sa naging disenyo at pagiging spacious ng bahay ng Team Kramer at binigyan nya nga ito ng rate na 12/10 para sa isang job well done.