Philmar Alipayo, sobrang naging emosyonal nang makausap si Andi Eigenmann kasama ang kanilang anak at kitang kita ang sobrang pagka miss nya sa kanila

Isang tunay at tapat na pagmamahal ang syang mangingibabaw sa dalawang taong itinakdang magsama panghabang-buhay.

Ganito pinatunayan ni Philmar Alipayo ang kanyang pagmamahal para sa aktres na si Andi Eigenmann at sa kanilang mga anak.



Credit: Philmar Alipayo Instagram

Isang malaking pagbabago para kay Andi ang kanyang naging pamumuhay simula ng makilala ang nobyo, na talaga namang makikita ang marangyang pamumuhay noon ay mas pinili ni Andi na mamuhay ng simple at payapa sa Isla ng Siargao kasama ang panganay na si Ellie, si Philmar at ang kanilang anak na si Baby Lilo.

Credit: Philmar Alipayo Instagram

Hinangaan ng publiko ang kanilang naging pagmamahalan ng patunayan nila, na hindi hadlang ang estado ng pamumuhay upang tumagal ang kanilang pagsasama.

Credit: Philmar Alipayo Instagram

Isang nakakaantig na video ang ibinahagi ni Philmar sa kanyang Instagram account na makikita ang pagiging emosyonal nito sa naging live video call nila ni Andi kasama ang kanilang mga anak.



Credit: Philmar Alipayo Instagram

Labis ang kasiyahan na naramdaman ni Philmar ng muli nyang masilayan ang kanyang mag-iina, ngunit sa ilang sandali nga ay hindi na nya napigilan na maging emosyonal ng takpan nito ang kanyang mukha at tuluyan ng umalis sa harap ng kamera.

Kasalukuyang nasa Manila ngayon si Andi kasama si Baby Lilo at Ellie upang ipagdiwang ang kaarawan nito, kaya naman labis ang pagka-miss ni Philmar ng mahiwalay ang mga ito sa kanya.

Credit: Philmar Alipayo Instagram

Bakas naman ang pagkagulat kay Andi nang makitang umiiyak si Philmar habang naka-live sila.

“Aww mahal, is he crying? Mahal it’s live! Don’t cry.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Philmar Alipayo (@chepoxz) on


Marami namang netizen ang nagbigay ng kanilang kumento at talagang naantig sa naging reaksyon ni Philmar.

“One can feel the obviously solid love and care that Philmar and Andi have for each other, evidence by this post, and their countless posts. God Bless You both, Ellie and Lilo!!! 



Credit: Philmar Alipayo Instagram

“Nakakatouch ng puso Ang eksena 😭😭😭 a true love from an ideal father and husband…. so miss na ni Sir Philmar ang family nya… just always be strong and keep safe always”

 yung emotions mo ramdam na ramdam ko @chepoxz, i felt that super miss mo na sila, hoping na makabalik na sila sa island godbless you”