Alice Dixson, ipinasilip ang kanyang magandang bahay sa Boracay na may nakakabighaning view pa ng beach

Kabigha-bighani nga naman ang tanawin na iyong makikita sa Isla ng Boracay lalo na ang mga water activities na dinadayo ng mga bakasyunista na nagpupunta sa isla.

Sa taglay nitong kagandahan ay sino ang mag-a-akala na ang aktres na si Alice Dixson ay isa sa mga nabihag ng isla na ito at nakapagpatayo nga ng isang bahay.



Credit: Alice Dixson Youtube

Sa unang pagkakataon ay ipinasilip ni Alice ang kanyang munting tahanan sa kabila ng pagiging pribado nito sa kanyang buhay.

“Despite being a celebrity I do consider myself to be a private person. So when I share snippets of my life it’s very personal,”

Credit: Alice Dixson Youtube

Ayon kay Alice, ay noong una nagdadalawang-isip ang aktres sa kanyang gagawin ngunit napagtanto nya na matagal na ring itong request sa kanya ng kanyang mga taga-hanga.

Credit: Alice Dixson Youtube

“I’ve been a little reluctant, but that’s okay. This request has been ongoing for a few years now. But you’re in luck. I actually split my time between Boracay and Manila and this weekend, I’m in Boracay and I’m gonna tour you around my place here on the island,”

Makikita na unang ipinakita ni Alice ang kanyang garahe na kung saan ay makikita ang isang white van at isang motorsiklo na ayon sa aktres ay kanyang ginagamit sa tuwing gusto nyang libutin ang isla.



Credit: Alice Dixson Youtube

Pagpunta naman sa kanilang garden ay ay iyong masisilayan ang isang swimming pool na kung saan ay tuwing umaga at tanghali ay isa ito sa mga nasisikatan ng araw.

Credit: Alice Dixson Youtube

Pagpasok sa loob ng kaniyang bahay ay sasalubong naman sayo ang isang pathway na magtutungo sayo papunta sa kanilang kitchen.

Credit: Alice Dixson Youtube

Ipinasilip naman ng aktres ang kanyang favorite spot sa loob ng kanyang bahay, ang guest room, na ayon sa kanya ay nagustuhan nya ang katahimikan mula dito.

Credit: Alice Dixson Youtube

Huling ipinakita ni Alice ang kanilang secret passage patungo sa kanilang secret hideaway beaches at mula doon ay iyong makikita ang mala-paraisong tanawin ng Isla ng Boracay.



Credit: Alice Dixson Youtube

Isa namang mensahe ang pinaabot ni Alice sa kanyang mga viewers ng isulat nito sa buhanginan ang mga katagang, “I love u 🙂