Alex Gonzaga, pinakaba ng sobra ang nanay ni Ivana Alawi nang magpanggap itong na-allergy dahil sa niluto niyang mga pagkain

Ang dalawa sa pinakasikat na Pinay Celebrity Youtubers na sina Alex Gonzaga at Ivana Alawi ay nagsamang muli sa isa na namang collaboration.



Credit: Ivana Alawi Youtube

Kinaaliwan ng netizens ang ginawa nilang collaboration na kung saan ay kinuntsaba ni Ivana si Alex upang maisagawa ang naisip nyang prank para sa kanyang Mommy Fatima at bunsong kapatid na si Mona Alawi.

Ayon kay Ivana, ito umano ang kanyang pambawi sa kanila mula nang i-prank sya ng mga ito kay Raffy Tulfo.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Isang seafood mukbang video ang kanilang ginawa na kung saan ay si Mommy Fatima ang mismong nagluto nito para sa kanyang iniidolo na si Alex.

Nagpanggap naman si Ivana na kunwaring sya ay nagseselos mula sa mga inihandang masasarap na pagkain at sa special treatment na ginawa ng kanyang ina.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Habang sila ay kumakain, may inihanda naman na mga katanungan si Mona para kay Alex at Ivana.

Muling sinimulan ni Alex ang pagiging isang best actress na kung saan ay nagpanggap sya na kunyari ay nasusuka at sinusumpong ng allergy.



Credit: Ivana Alawi Youtube

Makikita naman ang pagkataranta at ang pagiging concern ni Mona at Mommy Fatima ng makita ang kalagayan ni Alex.

Sa kalagitnaan ng kanilang prank, ay tinodo na ng aktres ang kanyang acting skills, na makikitang tinanong nya si Mommy Fatima kung may inilagay ba ito na cayenne sa pagkain nila na ayon sa kanya ay allergic sya doon.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Inamin naman ni Mommy Fatima na may inilagay syang cayenne sa kanyang iniluto na pagkain ngunit hindi alam nito bawal pala iyon sa aktres.

Hindi naman naiwasan ni Mommy Fatima na mag-alala sa kanyang iniidolo kaya naman inalok nya ito ng chocolate na agad namang tinanggihan ni Alex.



Credit: Ivana Alawi Youtube

Upang matulungan ang aktres, pumunta sya sa likod nito at hinagod ang batok na kadalasang ginagawa sa mga taong nabubulunan.

Hindi na nga napigilan ni Alex ang matawa sa ginawa ni Mommy Fatima sa kanya, kaya naman ipinaalam na nitong prank lamang ang lahat ng iyon.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Labis naman ang tuwa ni Ivana na sa wakas ay nakabawi din sya sa kanyang ina at bunsong kapatid na si Mona.