Andi Eigenmann, ipinasilip ang masayang larawan ni baby Lilo na tumitingin ng libro habang sya ay nag-aayos ng kwarto para sa online schooling ni Ellie

Sa kabila ng pandemyang ating kinakaharap, ang edukasyon ay isang bagay na kailangang maging prayoridad para sa mga kabataan. Kaya naman, sa ilalim ng new normal ay nagkaroon ng malaking adjustment ang pag-aaral.



Credit: Andi Eigenmann Instagram

Sa darating na Agosto, maaaring magsimula na ang pag-aaral sa ilalim ng tinatawag na Online o remote learning. Hindi ito katulad ng traditional na pag-aaral na kung saan mayroong face to face interaction. Sa remote at online learning, kailangan ng gadgets upang makapagaral.

Credit: Andi Eigenmann Instagram

Kaya naman, isa sa mga kailangang ihanda lalo ngayon ay ag mag gadgets gaya ng smart phones, tablets o mga laptop na magagamit sa online learning.

Credit: Andi Eigenmann Instagram

Iyan naman ang pinaghandaan ng aktres na si Andi Eigenmann para sa kanyang panganay na anak na si Ellie. Hinanda na ni Andi ang magiging online schooling room ni Ellie.



Credit: Andi Eigenmann Instagram

Siyempre, kahit nasa bahay man napakahalaga na magkaroon ng magandang lugar ng pag-aaral para mas ganahan sa pag-aaral lalo na ang mga bata.

Credit: Andi Eigenmann Instagram

Kaya naman, todo effort si Andi sa pag-aayos at pagdidisenyo ng online schooling room ni Ellie. Bookworm itong si Ellie at napakahilig mag-aral.


“Finally fixed up Ellie’s room to get it online schooling ready! And of course, little kulit is a constant visitor 😂 here she is hanging out in the “reading are”. Her big sis is such a book worm, and it’s nice to have that rub off on Lilo, who always showed more of an athletic/active personality even before she learned how to walk,” saad ni Andi sa kanyang IG post.



Credit: Andi Eigenmann Instagram

Siyempre, hindi mawawala sa kanyang room ang kanyang cute na cute na kapatid na si Baby Lilo. Sabi pa nga ni Andi, siya daw ang “constant visitor” nito.

Kwento pa ni Andi, mukhang may magkaibang kagalingan ang kanyang mga anak. Si Ellie ay mahilig sa libro habang si Lilo naman ay mukhag mas inclined sa sports at active lifestyle.