Alex Gonzaga, ibinahagi ang masayang pamamanhikan ng kanyang fiance na si Mikee kasama ang pamilya nito

Isang katuparan sa bawat kababaihan na masaksihan ang paghingi ng kanyang kamay mula sa kanyang mga mahal sa buhay.



Credit: Alex Gonzaga Official Youtube

Isa sa mga tinuturing na milestone ng aktres at tv host na si Alex Gonzaga ang masayang kaganapan na nangyare sa kanila ng kanyang fiance na si Mikee Morada.

Masayang ibinahagi ni Alex sa kanyang Instagram account ang pagdiriwang ng kanyang ika-3 years simula ng pasukin nya ang pagiging isang vlogger.

Credit: Alex Gonzaga Official Youtube

” Hi netizens! Yesterday is what i consider my anniversary on youtube because exactly 3 years ago i posted my first ever vlog episode with ate. Now we are on our third and i am about to take on another chapter of my life soon. I am praying and hoping you will all still be with me. Love you netizens!!!! You are all God’s blessing to me🤎 #LinkinmyBio


Kaya naman sa pagdiriwang ng kaniyang 3rd anniversary, ay isinama nya ang kanyang mga followers sa pag-celebrate ng 2 important events na ginanap noong Sabado, July 25.

Credit: Alex Gonzaga Official Youtube

Makikita sa video na in-upload ni Alex ang nangyaring pamamanhikan ng pamilyang Morada sa Gonzaga family na ayon sa aktres ay ang unang pagkakataon na nagsama ang pamilya nila ni Mikee sa isang celebration na ginanap sa bahay ng aktres.



Credit: Alex Gonzaga Official Youtube

Sa paghahanda sa naturang event ay talaga namang pinaghandaan ni Alex at nila mommy pinty ang mga mangyayari.

Kaya naman sa unang bahagi ng video ay talaga namang mapapagalaw at mapapakilos ka sa pagiging organize ni Mommy Pinty.

Credit: Alex Gonzaga Official Youtube

Isa namang dinner table set-up ang kanilang ginawa sa tulong ng @amorblooms at ang masasarap na pagkain na kanilang pinagsaluhan mula sa @mnlpinkkitchen.

Naunang dumating ang Soriano family kasama ang kanyang Ate Toni at sumunod naman ay ang Morada family.

Isang masayang pagsasalo ang kanilang ginawa bilang parte ng pamamanhikan ni Mikee at ng pamilya nito.



Credit: Alex Gonzaga Official Youtube

Sa pagtatapos ng celebration ni Alex ay muli nyang pinasalamatan ang mga netizens sa walang sawang suporta at kanyang pamilya lalo na sa Morada family na dumayo pa sa Taytay sa kabila ng nararanasang pandemya ng bansa.