Ivana Alawi, sinunod lahat ng utos sa kanya ng kanyang pamilya dahil sa isang challenge at may inilaan pang papremyo para sa kanyang mga taga subaybay

Isang nakakatawang challenge vlog na naman ang ginawa ulit ng aktres na si Ivana Alawi mula sa video na kanyang in-upload.

Ang naturang challenge ay isang ‘Can’t say No challenge’ na kung saan ay hindi siya pwedeng magsabi ng ‘No’ sa bawat utos na ipapagawa ng kanyang pamilya.



Credit: Ivana Alawi Youtube

Makikita naman ang kahandaan ni Ivana sa challenge mula sa kanyang postura at pagsusuot ng diamond earrings na galing sa Luna Jewelry.

Unang ginawa ni Ivana ang pagsayaw sa harapan ng kanyang Mommy Fatima na ini-utos ng bunso nyang kapatid na si Mona.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Bakas naman sa mukha ng aktres ang hindi pagsang-ayon nito dahil ayon sa kanya ay hindi siya marunong sumayaw.

Makikita naman ang pagka-irita sa naging reaksyon ni Mommy Fatima ng sayawan sya ni Ivana.

“Tigilan mo nga ako! Wala kang pag-asa, maniwala ka.”

Credit: Ivana Alawi Youtube

Sumunod naman ay si Mommy Fatima na inutusan si Ivana na mag-order ng 4 pieces na donut glaze.

Hindi naman nagpahuli ang kapatid ni Ivana na si Hashim ng bigyan sya nito ng isang piraso na siling labuyo para kainin.



Credit: Ivana Alawi Youtube

Agad naman ginawa ni Ivana ang challenge ng walang kahirap-hirap. Ngunit sa bandang huli ay hindi nya rin nakayanan ang anghang na agad naman nyang ininuman ng fresh milk.

Makikita naman ang pagiging pr0tective ni Mommy Fatima ng pakainin din nya si Hashim ng sili, na ayon sa kanya ay maranasan naman nito ang ginawa sa kanyang Ate Ivana na agad namang ikinatuwa ng aktres.

Credit: Ivana Alawi Youtube

“Binaw!an ako ng mama ko kaya sa mga mang-aapi dyan, sa mga manl0lokong lalaki ingat-ingat, mama is here.”

Matatawa ka naman sa ginawa ni Mommy Fatima ng hilahin nito ang bangs ni Ivana na inakala nyang pina-prank sya nito dahil sa ibang postura ng aktres sa vlog.

Credit: Ivana Alawi Youtube



Isa namang nakakaantig na pangyayari ang pinagawa ni Mona sa kanyang Ate Ivana na kung saan ay iniutos nya na magpamigay ng pera sa kanilang mga viewers para makatulong kahit sa maliit na halaga lamang.

Tunay nga na hindi lang hinangaan si Ivana at Mona sa kanilang angking kagandahan kundi pati na rin ang kabutihan ng kanilang kalooban.