Sofia Andres, idinitalye kung paano sila nagkakilala ng boyfriend na si Daniel Miranda at kung paano ang kanyang naging buhay mula nung nalaman na sya ay buntis

Masayang ibinahagi ng aktres na si Sofia Andres at boyfriend na si Daniel Miranda ang kanilang love story mula sa first video na in-upload nila sa kanilang YouTube channel.

Matatandaan noong July 27 ay sinabi ni Sofia na sisimulan na rin nila ang paggawa ng Youtube vlogs, kaya naman marami ang nag-abang sa video nila kahapon, July 29.



Credit: Daniel and Sofia Youtube

Unang sinagot ni Daniel ang katanungan kung paano nagsimula ang kanilang love story ni Sofia.

Ayon sa kanya ay nakita nya si Sofia sa isang club at nilapitan ito para magpapicture na first time naman nyang ginawa sa kabila ng pagiging tahimik at mahiyain nito.

Credit: Daniel and Sofia Youtube

“We were in the club and I saw her pass by, and I was like, This girl’s pretty. I have to go to her.”

Natuwa naman ang aktres kay Daniel dahil hindi nya lubos maisip na inalok sya nito ng water habang sila ay nasa isang club.

Credit: @iamsofiaandres instagram



“Imagine that. In a club, offered me water. I was like, this guy is different.”

Hindi naman pinalampas ni Daniel ang pagkakataong iyon, kaya naman hiningi niya ang number ni Sofia na agad namang binigay ang totoong number nito.

Credit: @iamsofiaandres instagram

Isa sa nga most memorable experience naman para sa couple ng sila ay mag stay sa Sydney for 6 months at maranasan kung paano mamuhay ng hindi kasama ang kanilang pamilya.

Malaki naman ang pasasalamat ni Sofia kay Daniel dahil natutunan nya kung paano maging independent at i-handle ang mga bagay-bagay na ayon sa aktres ay natutunan din nya pati ang pag lalaba ng damit.

Makikita naman ang kilig kay Sofia at pagiging sweet ni Daniel ng sagutin nito kung ano ang ‘Best thing about Sofia’.

Credit: @iamsofiaandres instagram

“She’s really a nice girl, she’s a very good girlfriend, she’s supportive of everything I do, she understand me very well but everything about her is just amazing and perfect.”

Sa huling bahagi ng video ay naging emosyonal naman si Sofia ng ibahagi niya ang mga pinagdaanan nang malaman nyang buntis sya kay Baby Zoe.



Credit: Daniel and Sofia Youtube

Isinilang ni Sofia si Baby Zoe noong November 24, 2019 sa Sydney, Australia.