LJ Reyes, sobrang proud sa pagiging sweet na kuya ni Aki sa kanyang kanyang nakababatang kapatid na si Summer

Isa sa mga sinusubaybayan ngayon ng publiko ang celebrity couple na si LJ Reyes at Paolo Contis mula sa mga funny videos nila kasama ang kanilang mga anak na ibinabahagi naman nila sa social media ngayon.



Credit: LJ Reyes Instagram

Muli naman nasilayan ang cuteness ni Summer Ayana at Ethan Akio mula sa video na in-upload ni LJ sa kanyang Instagram account.

Credit: LJ Reyes Instagram

Makikita sa video ang pagiging sweet ni Akio sa kanyang kapatid na si Summer ng lagyan nya ng hair clip ang buhok nito at tignan kung bumagay ba ito kay Summer.

 

View this post on Instagram

 

The sweetest Ahya (kuya) in the world❀️

A post shared by LJ Reyes (@lj_reyes) on


Marami namang netizen ang natuwa at nagbigay ng kanilang kumento sa ginawa ni Aki para kay Summer.



Credit: LJ Reyes Instagram

“They’re so precious!!Β πŸ’—

“Aki so sweet to Summer always ❀😍

“Such a cutie! ❀

Kamakailan naman ay matapat na sinagot ni LJ at Paolo ang mga katanungan sa kanila ng kanilang mga followers at subscribers tungkol sa pagpasok ng kanilang mga anak sa showbiz.

Credit: LJ Reyes Instagram

Ayon kay Paolo ay nakadipende sa kanilang mga anak kung papasukin ng mga ito ang pag-aartista, ngunit kung sya ay tatanungin ay hindi sya pabor na mangyari ito sa ngayon.


“Nasa kanila ‘yun pero sa totoo lang ayoko, alam mo kung ano lang naman, kung puwedeng hindi.”

Agad naman nilinaw ni Paolo na ang “Acting 101” videos nila ng kanyang anak na si Summer ay hindi basehan para pasukin nito ang pags-showbiz.


“Yung mga Acting 101 ko kay Summer, pa-cute lang ‘yun. Hindi ibig sabihin gusto ko siya mag-artista or tine-train ko talaga siya mag-artista. Hangga’t maari makapagtapos muna sila ng pag-aaral. It’s something that I never did pero yun naman ang goal yung makapagtapos sila.”



Credit: Paolo Contis Instagram

Masaya namang ine-enjoy ngayon ni LJ at Paolo ang kanilang family time habang naka-quarantine na ayon kay Paolo ay ‘blessing in disguise’ naman ito para sa kaniya.

“We are lucky that we’re here together sa mga milestones ni Summer at nababantayan namin talaga nang mabuti si Summer at Aki.”