Rodjun Cruz at Dianne Medina, ipinasilip ang baby shower para sa kanilang magiging baby boy na pinangalangang Rodolfo Joaquin Diego III

Isa namang masayang virtual baby shower party ang pinagsaluhan ng celebrity couple na si Dianne Medina at Rodjun Cruz na ginanap sa kanilang bahay noong July 27.



Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram

Matatandaan na ibinahagi ni Dianne at Rodjun na “It’s a boy” ang gender ng kanilang magiging panganay na anak sa isang virtual gender reveal party na ginanap kamakailan lamang.

Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram

Kaya naman hindi naging hadlang para sa celebrity couple na i-celebrate ang baby shower ng kanilang anak na si Rodolfo Joaquin Diego Medina Ilustre III sa kabila ng pandemya na nararanasan ng bansa.

Masaya namang nakasama nila Rodjun at Dianne ang kanilang pamilya sa isang video zoom conference na kinabibilangan ng kanilang mga pinsan na sina Geneva Cruz, Donna Cruz, Sunshine Cruz at kanyang kapatid na si Rayver Cruz kasama ang girlfriend nito na si Janine Gutierrez.

Credit: Rodjun Cruz Ilustre Instagram

Makikita sa larawan na pinost ni Rodjun at Dianne sa kanilang Instagram ang naging set-up ng kanilang baby shower na makikita ang blue-themed background decorations mula sa mga baloons at ang cute blue cake na may disenyong “Oh Baby!” at “It’s a boy”.



Credit: Rodjun Cruz Ilustre Instagram

Ipinakita din nila ang mga baby shower gifts na kanilang natanggap mula sa kanilang mga kaibigan at kapamilya na sinamahan din ng isang special DIY box na galing naman sa nagdisenyo ng kanilang baby shower.

Credit: Rodjun Cruz Ilustre Instagram

Lubos naman ang pasasalamat ni Rodjun at Dianne para sa mga nakatulong nila sa event na ito at sa kanilang pamilya at mga kaibigan na nakasama nila sa naturang celebration.

“Rodolfo Joaquin Diego III baby shower!👶🏻❤️🎉 Thank you @niceprintphoto @charissetinionp @stephenpechon for the photo, Video & online Zoom party!😍

Credit: Rodjun Cruz Ilustre Instagram



Marami naman ang natuwa at nagbigay ng kanilang kumento mula sa kanilang mga fans at supporters tungkol sa naging pangalan ng kanilang panganay na anak.

“Ang haba ng name, ang unique, ang hirap lang sa part ni baby in the future kasi ang haba. Congrats future parents..”

“Ang haba ng name. Tatamarin po magsulat yan Hahahaha 😂💋🖤

“Congrats both of you.”