Jak Roberto at Barbie Forteza, idinaan sa masayang pag-eexercise at pagkain ng samgyupsal ang kanilang pagdiriwang ng ika-38 monthsary

Muli nanamang pinakilig ng celebrity couple na si Jak Roberto at Barbie Forteza ang mga netizens mula sa kanilang masayang monthsary dinner date.

Makikita sa video na ibinahagi ni Jak sa kanyang YouTube channel ang kanilang pag celebrate ng ika-38 monthsary as a couple na ginanap sa bahay ng aktres.



Credit: Jak Roberto Youtube

Bilang isang celebrity couple ay napapanatili din nila ang pagiging fit at healthy lalo na ngayong naka quarantine.

Kaya naman naging parte din ng kanilang monthsary celebration ang pagwo-workout ng magkasama.

Credit: Jak Roberto Youtube

Isa namang masarap na samgyupsal date ang kanilang pinagsaluhan mula sa surprise ni Jak para kay Barbie na ayon naman sa aktres ay isa rin ito sa mga paborito nilang kinakain ng magkasama.

Makikita naman ang pagiging hands-on ni Jak mula sa kanyang pagluluto ng meat at noodles na ni-request ni Barbie para maibsan ang cravings nito.

Credit: Jak Roberto Youtube



Habang ine-enjoy ang kanilang masayang bonding together, mayroon namang inihandang katanungan si Barbie para kay Jak tungkol sa mga naging previous interviews nito.

Ayon kay Barbie,

“Pansin ko kasi lagi mong sinasagot sa interview kapag tinatanong ka na ‘Tingin mo ba si Barbie na ang The One?’ Pansin ko lagi mong sinasagot, ‘Ako naman po ever since, kapag nagkakaroon ako ng isang karelasyon, iniisip ko na talaga na sila na yung The One.’

Credit: Jak Roberto Youtube

Pero never bang pumasok sa isip mo na may susunod kang The One o ako na ‘yung huling The One?”

Matapat namang sinagot ni Jak ang naging katanungan ni Barbie sa kanya.

Aniya, “Ang hirap i-explain basta kaya ko sinasabing ganoon, ang pinaka point ko doon is kapagka may karelasyon ako, all in or go home,”

Credit: Jak Roberto Youtube



Hindi rin naman pinalagpas ni Jak ang pagkakataon na malaman ang kasagutan ni Barbie ng ibalik nito ang naging katanungan sa kanya.

“Ano kasi ako eh pagdating sa relasyon, masyadong nega ganun. Pero sayo parang wala ako nahanap na ganun. Kasi parang naging masyado na tayong komportable sa isa’t isa para buksan pa natin yung options.”