Jinkee Pacquiao, ipinasilip ang kanilang napakalawak at napakagandang private resort sa Sarangani

Sa bawat tagumpay na nakakamit ay may kaakibat na ligaya at biyaya ang iyong makukuha.

Ganyan nga mailalarawan ang tagumpay na nakamit ni Jinkee at Sen. Manny Pacquiao mula estado ng kanilang pamumuhay ngayon.



Credit: Jinkee Pacquiao Youtube

Naging usap-usapan naman sa socmed ngayon ang luxurious private beach resort na matatagpuan sa Barangay Taluyan, Glan sa Sarangani City mula sa ibinahaging video ni Jinkee.

Ayon sa kanya, ang private beach resort ay ang kanilang kauna-unahang ipinitayo, pitong taon na ang nakakaraan.

Credit: Jinkee Pacquiao Youtube

Nahahati ito sa dalawang villa na kung saan ay inilaan nila sa pamilya ni Jinkee at Manny tuwing magbabakasyon ang mga ito sa Sarangani.

Agad namang nilinaw ni Jinkee na ipinakita ito hindi para ipagmayabang ang kanilang kayamanan sa publiko kundi para tuparin ang matagal ng nire-request sa kaniya ng mga subscribers nito.

Credit: Jinkee Pacquiao Youtube

Sa unang bahagi ay ipinasilip ni Jinkee ang kanilang master’s bedroom na masisilayan ang pagiging elegante nito, mula sa kulay na asul at puti na nakadagdag sa kagandahan ng disenyo mula sa mga kagamitan at kurtina na makikita sa loob ng kwarto.



Credit: Jinkee Pacquiao Youtube

Sa paglabas naman mula sa kanilang master’s bedroom ay sinabi ni Jinkee na isa ito sa mga pinupuntahan nya tuwing umaga habang sya ay nagbabasa ng Bibliya.

Credit: Jinkee Pacquiao Youtube

Kasama din naman niyang ipinakita ang kanilang walk-in closet at bathroom.

Sa paglabas ng kanilang tahanan ay mapapansin ang mga berdeng halaman na kapansin-pansin ang pagkahilig ni Jinkee sa mga ito na matatagpuan sa kanilang garden.

Credit: Jinkee Pacquiao Youtube

Patungo naman sa Villa 1, ay matatagpuan ang 2-storey na bahay na kung saan ay makikita ang bawat kwarto na tinutuluyan ng pamilya ni Jinkee.

Pagpunta naman ni Jinkee kay Sen. Manny ay ipinakita din nya ang maliit na bulwagan madalas nilang ginagamit para sa Bible Study ng kanilang pamilya.



Credit: Jinkee Pacquiao Youtube

Isa namang kamangha-manghang tanawin ang matatagpuan mula sa kanilang pool area na makikita ang kabuuan ng karagatan at ng kanilang beach resort.

Fresh air naman ang sasalubong sayo pagpunta sa kanilang gazebo, na ayon kay Jinkee ay ito ang madalas nilang kinakainan ng kanyang pamilya.

Mula sa mga ipinakita ni Jinkee sa kanilang private beach resort ay talaga namang mapapamangha ka mula sa mga magagandang tanawin na iyong makikita.