Iya Villania, ipinasilip ang kanilang baby girl na si Alana isang linggo matapos ang kanyang panganganak

Hindi mapapalitan ang kaligayahang hatid mula sa mga magulang ang pagdating ng isang biyaya sa pamilya. Ang pagdating ng isang bagong ‘little angel’ na magbibigay ng panibagong saya at kulay sa kanilang buhay.



Credit: Iya Villania-Arellano Instagram

Labis ang kaligayahan ngayon ng celebrity couple na si Drew Arellano at Iya Villania sa pagdating ng kanilang baby girl na si Alana Lauren, na isinilang ng aktres noong July 18.

Credit: Drew Arellano Instagram

Isang kapana-panabik na pangyayare nga naman na muling masilayan ang napaka cute na baby girl nila Drew at Iya na masayang ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram ang ika-first week nito nung July 25.

“Happy one week my baby❤️ #AlanaLove#StillCantBelieveIHaveAGirl ❤️ #ThanksMumForNotDressingMeUpInKuyasClothes 😂



 

View this post on Instagram

 

Happy one week my baby ❤️ #AlanaLove #StillCantBelieveIHaveAGirl ❤️ #ThanksMumForNotDressingMeUpInKuyasClothes 😂

A post shared by Iya Villania-Arellano (@iyavillania) on


Nang malaman ng celebrity couple na buntis si Iya sa kanilang bunsong anak ay napagdesisyunan nilang magkaroon ng element of surprise kung ito ba ay baby boy o isang baby girl naman.

Bago isilang ni Iya si Baby Alana ay malakas ang kanyang pakiramdam na boy ang kanilang magiging anak habang si Drew naman ay umaasang ito ay isang girl.

Credit: Iya Villania-Arellano Instagram

Ayon kay Iya ay magkaiba naman ang reaksyon ni Primo at Leon sa pagdating ng kanilang little sister.

“Si Primo parang mas aware siya, ‘tapos siya excited. Sobra siyang excited na makita ‘yung kapatid niya even if ang gusto niya talaga ay baby brother.”

Credit: Iya Villania-Arellano Instagram

Samantalang si Leon naman ay tila naguguluhan at hindi alam kung ano ang nagaganap na pagbabago sa kanilang bahay ngayon.

“Naaawa ako kay Leon kasi parang… ‘yung tingin niya parang, ‘Ano ‘yan,’ ‘tsaka, ‘Sino ‘yan?’. Medyo nakatakot siyang lumapit ‘tapos medyo umiyak siya ng konti. Sobrang alanganin ni Leon, pero ngayon, unti-unti na siyang lumalapit,”



Credit: Drew Arellano Instagram

Ibinahagi rin ni Iya kung ano ang mga napansin niyang pinagkaiba ng characteristics ni Alana mula sa dalawa niyang kuya.

“Matakaw siya sa tulog. Ang haba ng daliri niya. Mas malaki siya, ito ‘yung pinakamalaki kong baby,”

Hanggang ngayon ay labis pa rin ang pagkamangha ni Iya na isang baby girl ang bagong blessing na dumating sa kanilang pamilya.