Kim Chiu, ipinadama ang kanyang sobrang pagmamahal sa mga kasamahan sa industriya sa pamamagitan ng isang kanta

Sino ba ang hindi nakakakilala sa ating nag-iisang Chinita Princess na si Kim Chiu?
Mas naging maingay ang pangalan ni Kim nang mag trending ang isang video niya na naging opisyal ng kanta ngayon na “Bawal Lumabas”.



Credit: @chinitaprincess instagram

Pero bago pa man ang awiting ito, marami ng mga kanta ang napasikat ni Kim. Isa na dito ang kanyang sikat na awit noon na “Peng You”. Naging soundtrack nga naman talaga ng lahat ang kantang ito.

Credit: @chinitaprincess instagram

Isa ito sa mga kantang pinasikat ni Kim noong siya ay nagsisimula pa lamang sa industriya ng showbiz. Nakilala at nagsimula ang karera ni Kim nang siya ay manalo bilang Big Winner sa Pinoy Big Brother Teen Edition ng ABS-CBN.

Credit: @chinitaprincess instagram

At hanggang ngayon na nag expire ang prangkisa ng ABS-CBN, certififed kapamilya pa din si Kim. Sa kabila nito, hindi maiwasan ni Kim na maging emosyonal dahil dito. Malaki ang halaga ng network at ng kanyang mga kasama sa trabaho kaya masakit para kay Kim ang mga kaganapang ito.



Credit: @chinitaprincess instagram

“It feels really sad that most of the people behind this song, nawala na sa Abs. 😔 You will always be a part of where and who I am today. Maraming salamat sa inyo sa tulong nyo sakin.💔😢 sabi sa kanta “kahit na magkalayo nandito ka saking puso.” Mahal ko kayo,” saad ng IG caption ni Kim.

Credit: @chinitaprincess instagram

Makikita sa video na inupload ni Kim ay ang video ni Kim na inaawit ang kantang “Peng You”. Iniaalay niya ang awit na ito sa lahat ng kanyang mga nakatrabaho at nakatuwang sa kanyang showbiz journey na ngayon ay wala ng trabaho dahil sa pagkaexpire ng prangkisa nito.




Kaya naman, ito ang ilan sa mga lyrics ng kanta na iniaalay ni Kim sa kanila.

“Sa lahat ng luha, lagi kang may kasama, sa gitna ng ulan, karamay mo ako, kaibigan

Sa tatahakin mong daan, di kita iiwan, di ka na mag-iisa, kaibigan”