Rodjun Cruz at Dianne Medina, nagbalik tanaw sa kanilang mga napagdaanan bilang pagdiriwang ng kanilang 13-taon na relasyon

Madalas marinig ang mga katagang “walang forever” at “magbibreak din yan” mula sa mga taong nabigo at umasa mula sa kanilang mga past relationship. Pero hindi naman ito naging hadlang para manaig ang pagmamahalan sa bawat magkasintahan.



Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram

Pinatunayan ito ng celebrity couple na si Dianne Medina at kanyang asawa na si Rodjun Cruz nang sila ay mag celebrate ng kanilang 13th anniversary noong July 23.

Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram

Masayang ibinahagi ni Dianne at Rodjun sa kanilang Instagram ang sweet message nila sa isa’t-isa.


Makikita sa post ni Dianne ang mga pictures nilang dalawa ni Rodjun na magkasama simula ng sila ay maging magkasintahan hanggang sa maternity shoot ng kanilang upcoming Baby Boy.




Isa namang heart-warming message ang sinabi ni Rodjun na makikita sa kanyang caption na,

“I love you so much my Wife wife @dianne_medina & our baby Boy!πŸ˜πŸ’˜πŸ™πŸ»Β 13 years na tayo ngayon simula nung sinagot mo ako hehe!❀️ Ngayon asawa na kita. Thank you so much for everything Baby. Sobrang blessed talaga ako to have you in my Life. Soon makikita na natin ang baby boy natin hehe!πŸ‘ΆπŸ»πŸŽ‰Β Sobrang Excited na ako sa Journey natin as Parents!πŸ™πŸ»Β You and me together Forever.Β #RjDianneΒ #156thmonthsaryΒ #13years


Nagsimula ang kanilang pag-iibigan nang sila ay mapabilang parehas sa Star Magic noong 2006 at naging matalik na magkaibigan ng sila ay sumali parehas sa ‘U Can Dance’ celebrity edition ng ABS-CBN.

Sa paglipas ng 12 taon nilang relasyon ay ikinasal ang dalawa sa isang church wedding sa Manila Cathedral noong December 21, 2019.

Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram

Ayon kay Dianne ay hindi naging madali ang kanilang pinagdaanan as a couple kasi dumaan din sila sa maraming problema.

Pero hindi ito naging hadlang sa kanilang dalawa dahil ayon sa aktres ay ginabayan sila ng Diyos sa kanilang pagmamahalan.



Credit: Rodjun Cruz Ilustre Instagram

“We center God in our relationship. We’re both religious and we pray the rosary together. We both go to the adoration chapel and spend quiet time with the Lord. Pareho kami na family-oriented [at] halos pareho kaming gusto sa lahat.”

Isang patunay lamang na “may forever” talaga sa isang relasyon na puno ng pagmamahal sa isa’t-isa.