Heart Evangelista, nakatanggap ng napakalaking pizza na korteng puso na ipinamahagi nya rin sa mga orphans

Nakilala si Heart Evangelista sa pagiging aktres at sa kanyang sweet personality sa showbiz. Bukod dito, kilala din si Heart sa kanyang mga napakagagandang fashion statement at glamour.



Credit: Heart Evangelista Instagram

Pero bukod sa kanyang napakagandang mukha, porma at personality, ay mayroong napakalaking puso ni Heart para sa kanyang mga kapwa Pinoy.

Credit: Heart Evangelista Instagram

Makikita naman ito sa kanyang mga IG posts at mga vlogs kung paano tumulong si Heart lalo na ngayon sa panahon ng pandemyang dulot ng C0VID.

Credit: Heart Evangelista Instagram

Isa sa mga pinost ni Heart sa kanyang IG ay ang napakalaking pizza na hugis puso. Katakam takam nga naman ang pizza na ito dahil sa mga flavors palang nito at hitsura ay busog na busog ka na.



Credit: Heart Evangelista Instagram

Ayon kay Heart, ang pizza na ito ay ipamimigay niya sa mga orphans ng Casa Miani. Siguradong mageenjoy ang mga bata at chikiting sa napakasarap na pizza na ito.

“Presenting to you, Sorsogon’s biggest heart pizza which I am so happy to share with our Casa Miani orphans. 🍕Thank you @miekoys.ph for this! ❤️ #MahalKongSorsogon,” saad ni Heart sa IG nito.


Gaya ng pizza, napakalaki nga naman ng puso ni Heart lalo na sa mga nangangailangan. Bukas lagi ang puso at palad ni Heart sa pagtulong sa ibang mga nangangailangan nating kababayan.

Credit: Heart Evangelista Instagram

Kaya naman, maraming mga netizens ang tuwang tuwa at hangang hanga kay Heart sa kanyang kabutihan at pagkabusilak ng puso. Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens sa post na ito:

“Surely the orphans at Casa Miani in Pangpang are very thankful for your visit! God bless u more and more!”

“Your ❤️ is so big that you share the love to everyone…THANK YOU FOR THE INSPIRATION…”



Credit: Heart Evangelista Instagram

“Its one of my favorite..as in..nkkpag laway nmn Miss Heart…😋😋

“Wow…so big and of course delicious for ms heart…”

“Woow sarap nman niyan miss heart, i love pizza very much.”