Andi Eigenmann, ibinahagi ang mga cute na larawan ni Baby Lilo na nagdiriwang ngayon ng kanyang 1st Birthday

Kilala ang aktres na si Andi Eigenman hindi lamang sa kanyang pag-arte kundi pati na rin ang masayang pagbahagi nito sa social media ng kanyang mga naging karanasan bilang isang ina.



Credit: Andi Eigenmann Instagram

Ang pagkakaroon ng isang simpleng pamumuhay ang pinili ni Andi kasama ang partner na si Philmar Alipayo at ang kanyang panganay na anak na si Ellie sa Siargao.

Credit: Andi Eigenmann Instagram

Sa kabila ng simpleng pamumuhay bilang isang buong pamilya ay dumating naman ang panibagong biyaya kay Andi at Philmar noong 2019 nang isilang nito ang kanilang Baby Girl na pinangalanan nilang si Keliana Alohi “Lilo”.

Credit: Andi Eigenmann Instagram

Kamakailan nga ay ibinahagi ni Andi ang isang magandang larawan ni Lilo na nagdiwang ng unang kaarawan nito.



Credit: Andi Eigenmann Instagram

Makikita sa kanyang post sa Instagram account na talaga namang pinaghandaan at pinag-isipan ang naging photoshoot ng kanyang anak.

Mapapansin ang flower theme na disenyo mula sa background at ang puting sundress na suot ni Lilo na bumagay naman sa kacharmingan nito.

Credit: Andi Eigenmann Instagram

Matuturing na isang blessing ang naglapit sa kanila ng kanyang partner na si Philmar Alipayo dahil sa kanilang “tiny little love“ na nagbigay sa kanila ng kakaibang kasiyahan at positibong pananaw para sa kanilang pamilya.

Ibinahagi din ng aktres mula sa caption nito ang kanyang sweet message para sa kanyang anak na si Lilo.


“Happy 1st birthday to this tiny little love of ours! 365 days went by so quickly and a lot has happened around us, but having you kept our lives staying as positive as can be, and our hearts filled with so much joy. You are truly one of a kind, Lilo, and youre life has just begun! I can’t wait for what life has in store for you… and the other way around.”

Marami ang nagbigay ng kanilang komento at pagbati para sa anak ni Andi mula sa mga netizen at mga kasamahan ni Andi sa showbiz industry noon.



Credit: Andi Eigenmann Instagram

“Happy Birthday cutie Lilo! 😍

“Happy birthday wonderful!! You are very loved”

“Awww. Shes adorable 😍 Happy Birthday, Lilo 😊