Dianne Medina, ipinasilip ang napakagandang disenyo ng kwarto ng magiging baby nila ni Rodjun Cruz na hango sa background nung kanilang naging prenup pictorial

Sa pagdating ng baby sa pamilya, marami nga namang mga paghahanda ang dapat bigyang pansin. Nandiyan ang regular check up para kay Mommy at baby na napakahalaga dahil ito ay nagiging gabay sa pagbubuntis ng isang ina.



Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram

Samantala, nandiyan din ang paghahanda sa mga gamit na kakailanganin ni mommy sa panganganak at siyempre ni baby pagkapanganak nito.

Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram

Sa mga iba naman, isa sa mga hinahanda nila ay ang magiging kwarto o baby room ng kanilang anak. Mas maganda nga naman na paghandaan ito dahil mas magiging komportable si baby sa kanyang sariling kwarto.

Credit: Maria Patricia Dianne Medina-Ilustre Facebook

Gaya na lamang ng baby room na ito na ibinahagi ni Dianne Medina sa social media. Malapit na din ang kanyang panganganak kaya inihanda na rin nila ang baby room na ipinasalip niya sa atin.



Credit: Maria Patricia Dianne Medina-Ilustre Facebook

Ipinakita ni Dianne ang disenyo ng magiging kwarto ng kanilang baby. Ito ay dinisenyo ni Marielle Lavelle Bandong Daybed and Crib : Udeh Furniture Ideas.

“My BABY’s Room #Soon #3DDesign #DianneMedinaVlogs Thank you so much My Interior Designer: Marielle Lavelle Bandong Daybed and Crib: Udeh Furniture Ideas,” saad ni Dianne sa IG caption nito.

Kwento pa ni Dianne, tuwang tuwa talaga sila nang makita nila ang disenyo dahil malapit sa kanilang puso ang mga disenyong hot air balloon dahil na rin sa pre nup nila sa Capadoccia, Turkey na may mga hot air balloons.

Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram

“When marielle sent us the design of the baby room, we fell in love with the hot air balloon design right away — why? Because we sh0t our pre nup in Capadoccia Turkey with all the hot air balloons in the background) wala lang ang cute lang hehe 😍❤️,” dagdag pa niya.




Samantala, excited naman ang lahat lalo na sina Dianne at Rodjun sa pagdating ng kanilang first baby. Maging mga netizens ay naka abang na rin dito.