Heart Evangelista, ipinasilip ang ganda ng Sorsogon at kung gaano nya kamahal ang mga tao rito

Muling ibinida ng aktres na si Heart Evangelista ang ganda ng Sorsogon sa pamamagitan ng kanyang Youtube Channel na may segment na, “Sorsogon Diaries: Life in the Province”.



Credit: Heart Evangelista Instagram

Sa kanyang bagong uploaded na video, may title itong “MAHAL KONG SORSOGON EP4: FINALLY BACK”.

Credit: Heart Evangelista Instagram

“I’m so happy finally back in Sorsogon after so long! Spent most of the time on this trip redecorating our Sorsogon home, going around hospitals, sourcing materials and products for #LoveMarieXSorsogon, touring around, and of course, finally spending some quality time with my husband. Hope you all enjoy as I take you around my second home,” saad naman ni Heart sa Youtube.

Credit: Heart Evangelista Instagram

Makikita sa video kung paanong tinulungan ni Heart ang mga artisans sa Sorsogon Province. Nagpunta siya sa iba’t ibang dako ng lugar upang bumili ng mga placemats, baskets, lamps, at iba pang kagamitan para sa Love Marie x Sorsogon na nagmula sa kanyang totoong pangalan na, Love Marie Ongpauco Escudero.



Credit: Heart Evangelista Instagram

“We’re sourcing more stuff for my website. And we’ll also be launching an IG (Instagram) account to support all the local products and give it more exposure, hopefully, so we can help a lot of people in Sorsogon,” sabi ng aktres.

Credit: Heart Evangelista Instagram

“Kaya ‘wag niyong i-expect na ‘yung mga produkto murang-mura kasi bibiyahe ka pa papunta rito and everything. But of course, ‘pag dineliver na namin ‘yun sa iyo, maganda na ‘yun. Kasi this is made and delivered with love.” paalala pa niya sa mga nais bumili ng mga products.


Ang mga biniling products ni Heart ay siya ring ginamit niya sa pagdedekorasyon sa Sorsogon. Bukod sa pagpapaganda ng lugar, namigay din siya ng vitamins at wheelchairs sa mga ospital na nanggaling naman sa kanyang mga kaibigan at ilang sponsors.



Credit: Heart Evangelista Instagram

Marami naman ang humanga sa ginawa ni Heart at na-appreciate ang ganda ng Sorsogon Province.