Andi Eigenmann at Philmar Alipayo, inihayag ang labis na pagka-miss sa isa’t isa na ramdam sa kanilang post at komento sa socmed

Isa sa mga napakagaling na surfers ng ating bansa ay si Philmar Alipayo. Ibang klase nga naman ang pagiging surfer niya dahil naibabandera ni Philmar ang ating bansa sa international sports stage. Kaya naman, pang world class talaga ang talento ni Philmar.



 

View this post on Instagram

 

covid clip 📸 @virgilepaillard @siargaosurfclub

A post shared by Philmar Alipayo (@chepoxz) on


Nakilala din si Philmar sa kanyang pagiging simple sa buhay. Ang saya at pagmamahal na kanyang ibinahagi sa aktres na si Andi Eigenmann ay hindi mo nga naman matatawaran. Ipinakita ni Philmar kung gaano niya kamahal si Andi lalo na nang sila ay namalagi na sa isla ng Siargao.

Credit: Philmar Alipayo Instagram

Marami ang humanga sa kanila lalo na at nakita kung gaano nga ba ibinahagi ni Philmar ang kanyang buhay kay Andi. Dahil dito, nabiyayaan sila ng supling na si Baby Lilo.

Credit: Philmar Alipayo Instagram

Napakacute nga naman ni Baby Lilo at nabuhay si Baby sa dagat at isla. Sa mga nakaraang posts pa ni Philmar, ay makikita si Lilo na kasama niya itong nag susurf. Sa katunayan ay maging si Andi ay naturuan na din ni Philmar.



Credit: Andi Eigenmann Instagram

Kamakailan ay nakita natin na magkakasama si Andi, Baby Lilo, at si Ellie, ang panganay na anak ni Andi. Sila ngayon ay nasa Metro Manila. Kaya naman, lubos din ang pagkamiss ni Philmar sa kanyang mag-ina. Ilang araw na ring namamalagi sa Metro si Andi at Lilo.


Sa IG post ni Philmar, makikita ang larawan niya na hawak hawak si Baby Lilo sa tabing dagat. May kalakip ito na caption na tanging mga napakadaming mga sad at crying emoticons.

Credit: Philmar Alipayo Instagram

Marami ang umusisa kung ano nga ba nangyari kay Philmar. Pero dahil na rin nawalay siya sa kanyang mag ina, ay na miss niya ang mga ito lalo na at naiwan siya sa isla.



Credit: Philmar Alipayo Instagram

Kasunod naman din ng kanyang post ay ang komento ni Andi na talagang nagpapakita ng kanyang pagka-miss sa partner na si Philmar na talagang ramdam ng netizens kung gaano sila ka-sweet sa isa’t isa.