Iya Villania, inamin na naging mahirap ang panganganak nya ngayon kaya naman sobrang laki rin ang naging pasasalamat nya sa kanyang mga doktor

Isa sa mga hinahangaan at sinusubaybayan ng publiko ngayon ang ang isa sa mga sikat na celebrity couple na si Iya Villiana at Drew Arellano.

Nagtagpo ang kanilang landas ng sila ay magsimula bilang magkaibigan at maging love team sa isang reality show sa GMA-7 na Click.



Credit: @iyavillania instagram

Mula sa kanilang 10-year relationship ay nagpakasal ang dalawa noong February 1, 2014 sa Meditation Point, Kawayan Cove sa Nasugbu, Batangas.

Sa kanilang sampung taon na pagsasama bilang mag-asawa ay biniyayaan sila ng dalawang cute at bibong mga anak na lalaki na sina Antonio Primo na isinilang ng aktres noong August taong 2016 at si Alonzo Leon na ipinanganak naman noong August taong 2018.

Credit: @iyavillania instagram

Kamakailan nga ay masayang inanunsyo ni Drew ang muling pagbubuntis ni Iya sa kanilang ikatlong anak.

Kahapon July 18 ay nagsilang si Iya ng isang healthy baby girl na makikita sa Instagram post ni Drew ang kasiyahan ng ibahagi nito ang larawan ng kanilang first baby girl ni Iya na pinangalanan nilang si Baby Alana Lauren.

Credit: @drewarellano instagram

Ibinahagi ni Iya na hindi naging madali ang kanyang panganganak ngayon dahil hindi katulad ng dating panganganak nya ay hindi nya nakasama si Drew sa delivery room. Ito ay bilang pagsunod sa bagong patakaran ng mga ospital sa bansa bilang pag-iigat at proteksyon mula sa nangyayaring pandemya.



Credit: @drewarellano instagram

“Delivery is hard. Thank you Lord for getting me thru that once again.”


Bumuhos naman ang mga pagbati mula sa kanilang pamilya, mga tagahanga at mga kaibigan sa showbiz ni Drew at Iya mula sa maayos at ligtas na panganganak ng aktres. Marami ang natuwa ng malaman na sa wakas ay isang Baby Girl ang kanilang anak.



Credit: @drewarellano instagram

Ganyunpaman ay hangad ng dalawa na maibahagi sa publiko ang kanilang naging journey lalo na sa pagbubuntis at panganganak ni Iya upang makapagbigay ng health advice at tulong sa mga soon-to-be parents na din.