Marian Rivera, nagbigay ng isang surpresa kay Eugene Domingo na talagang nakapagpaluha sa kanya dahil sa tuwa

Isa sa mga nagbibigay kaligayahan lalo na sa mga kababaihan ay ang mga bulaklak. Kapag ikaw ay nililigawan, sinosorpresa o binibigyan ng regalo, paniguradong kasama sa sorpresa ang mga napakabangong mga bulaklak.



Credit: @marianrivera instagram

Gaya na lamang ng komedyanteng si Eugene Domingo na hilig talaga ang mga bulaklak. Isa sa mga nagiging hobby at stress reliever niya ay ang mag order ng mga bulaklak.

Credit: @eugenedomingo_official instagram

Kaya naman, ang komedyanteng si Eugene Domingo ay napakasaya nang siya ay mag order ng mga bulaklak lalo na at ito ay inorder pa niya sa ‘Flora Vida by Marian”, ang flowershop ng aktres na si Marian Rivera.

Sa katunayan, tinawag pa niyang most gracious at sweetest si Marian dahil sa kabaitan at sorpresa ni Marian sa kanya.

Credit: @eugenedomingo_official instagram

Magoorder daw kasi si Eugene ng mga dried blooms pero dahil nagtitipid siya at siyempre kinokontrol ang kanyang sarili ay hindi na niya naiorder ang ibang mga bulaklak na gusto niya.



Credit: @marianrivera instagram

“Allow me to share. I was excited to order @floravidabymarian ‘s new collection DRIED BLOOMS but knowing me- i tried to control myself and be “matipid” for it is just for myself, my own joy,” kwento ni Uge.

Credit: @eugenedomingo_official instagram

Matapos niyang ibigay ang kanyang order, sinabi ng isa sa mga nagtatrabaho doon na mismong si Marian ang naghahanda ng kanyang order.

Laking gulat niya ng sinabing mayroong ibinigay na regalo sa kanya si Marian na Gypsophilla.

Credit: @marianrivera instagram

“After placing my order, the nice girl ( let me get her name later), said to me: Ms. Marian is prepping your order and she is sending you a gift as well, the Gypsophilla and another bundle of pepper berry… OMG,” kwento pa ni Eugene.

 

View this post on Instagram

 

Allow me to share. I was excited to order @floravidabymarian ‘s new collection DRIED BLOOMS but knowing me- i tried to control myself and be “matipid” for it is just for myself, my own joy. After placing my order, the nice girl ( let me get her name later), said to me: Ms. Marian is prepping your order and she is sending you a gift as well, the Gypsophilla and another bundle of pepper berry… OMG.😭 Marian sent me the one i actually wanted to buy as well – the Gypsophilla but i was budgeting myself ☺️😌 @marianrivera YOU ARE THE MOST GRACIOUS and the SWEETEST. ❤️ God bless you more, my dear! 🌼🌸🌺💐🌾🍁 Ms. @cabyness calls this: #unexpectedwins. I call this #godsgrace 🙏🏼 Angela is the name of the nice girl 😊

A post shared by Ms. EUGENE 🇵🇭🇮🇹💝 (@eugenedomingo_official) on


Ang bulaklak na ibinigay ni Marian ay isa sa mga bulaklak na hindi niya nabili dahil sa budget. Pero, tuwang tuwa at napaka thankful ni Eugene dahil dito.

“Marian sent me the one i actually wanted to buy as well – the Gypsophilla but i was budgeting myself. @marianrivera YOU ARE THE MOST GRACIOUS and the SWEETEST. God bless you more, my dear,” pasasalamat ni Uge.



Credit: @eugenedomingo_official instagram

Nagpasalamat naman si Uge sa kanya at narito ang kanyang naging sagot.

“As in naluha ako, Ang bango nila! Muchas Gracias,” tugon naman ni Uge kay Marian.