Andi Eigenmann, ipinasilip ang husay sa pagsayaw kasama ang kanyang mga anak na sina Ellie at Lilo

Ano nga ba ang “everything” mo sa buhay? Ang iba ay mas finofocus nila ang kanilang sarili sa kanilang mga career. Subsob sa trabaho para makaipon at makatulong sa araw-araw. Ang iba naman ay mas prayoridad ang kanilang lovelife. Ibinibigay nila ang kanilang lahat lahat para sa mga mahal nila ss buhay.



Credit: Andi Eigenmann Instagram

At siyempre, itinuturing naman ng iba ang kanilang pamilya bilang kanilang “everything”. Sabi nga nila, lahat ay nagsisimula sa pamilya. Kaya naman, ang pamilya ang isa sa nagbibigay ng kasiyahan sa atin.

“This is everything,” saad ng IG caption ni Philmar Alipayo.

Credit: @chepoxz instagram

Iyan din ang naging laman ng post ng partner ni Andi Eigenmann na si Philmar. Ibinahagi nya sa kanyang IG ang “everything” ng kanyang buhay. Sino nga ba ang everything na ito?

Walang iba kundi ang kanyang pamilya. Si Ellie at Baby Lilo ang kumukumpleto sa buhay nila ni Andi. Makikita sa kanyang IG post ang kanilang video na mag-iina.

Credit: Andi Eigenmann Instagram

Enjoy na enjoy si Andi sa kanyang pagsayaw kasama ang kanyang mga kids. Todo hataw si Andi at ganun din naman si Ellie. Manang mana nga naman talaga siya sa kanyang mommy Andi.



Credit: @chepoxz instagram

Pero, ang mas pumukaw sa atensyon ng mas nakararami ay ang pagsabay sa pagsayaw ng kaniyang bunsong si Baby Lilo. Kung hataw ang kanyang mommy at ate, hindi naman nagpahuli si Baby Lilo sa pagsayaw.

Napakagaling nga naman talaga ni Andi sa pagsayaw kaya no doubt na kayang kayang gawin iyan ni Baby Lilo. Maraming mga netizens ang tuwang tuwa sa mag-iina.

Credit: @chepoxz instagram

Kahit hindi man alam ni Lilo ang exact steps, ay sumasabay pa rin sa hatawan at sa indak ng pag-sayaw. No doubt na talagang nagmana si Lilo at Ellie kay Andi pagdating sa talento sa dance floor.

 

View this post on Instagram

 

this is everything ♥️

A post shared by Philmar Alipayo (@chepoxz) on


Bumuhos naman ang pagkabilib ng mga netizens at mga fans sa mother and daughter tandem na ito.



Credit: Andi Eigenmann Instagram

“Ang cute ng mga babies mo lalo na si ate, she’s growing fast at si bunso nman prang living doll❤️❤️❤️”

“the little one is my idol😂💓💓 cute cute lilo”