Kristine Hermosa, masayang gumawa ng gawaing bahay kasama ang anak na natuto ring maglaba

Iba iba tayo ng naging kwento ng quarantine. Kanya kanya tayo ng pamamaraan kung paano nga ba natin malalagpasan ang pandemyang ito. Sa ilalim ng community quarantine guidelines, isa sa mga pinapagawa sa atin ay ang manatili tayo sa loob ng bahay at huwag lumabas hanggat maaari.



Credit: @khsotto instagram

Kaya naman, marami ang naiinip at tila hindi na alam ang kanilang gagawin sa loob ng bahay. Ang iba’y mas nagpokus sa kanilang trabaho sa work from home scheme para magtuloy tuloy ang kanilang income, ang iba naman ay kumakayod sa online selling.

Samantala ang iba ay ginugugol ang oras na ito para mas magamit ang oras para sa kanilang pamilya.

Credit: @khsotto instagram

Iyan naman ang naging tema ng quarantine ng pamilya ni Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto. Isa sa mga iniidolong pamilya ay ang kanilang pamilya at makikita naman sa kanilang mga IG stories kung gaano sila kasaya.

Credit: @khsotto instagram

Sa IG post ni Kristine, makikita siya kasama ang kanyang anak na si Kaleb at tila nagbobonding. May palanggana sa harap nila na may mga labahan at tila silang dalawa ay magkasamang maglalaba gamit ang kanilang mga kamay.



Credit: @khsotto instagram

Mas maganda na kahit mayaman sila ay natuturuan ni Kristine ang kanyang anak sa mga gawaing bahay gaya ng paglalaba. Wala nga naman iyan sa estado ng buhay dahil kahit ano pa ang iyong estado sa buhay ay mahalaga na natututo tayo sa mga gawaing bahay.

Credit: @khsotto instagram

Lubos namang nagpapasalamat si Kristine sa Panginoon na sa kabila man ng lahat ng mga nararanasan nating pandemya ay nandiyan ang Panginoon na nagbibigay gabay at pagpapala sa kanila.




“My quarantine life. thank you Lord for the strength, grace and determination.. 😂and thank you to this mighty helper of mine 👦🏻 ❤️ 📸 by Ate Dre
#Kaleb #SUPERproductiveday #handwashed&bleached
#SugatnamgakamayangENDING,” sambit ni Kristine sa kanyang IG post.