Jinkee Pacquiao, masaya ang naging ensayo sa boxing kasama mismo ang kanyang asawa na si Manny Pacquiao

Kilala ang mag-asawang Senator Manny Pacman Pacquiao at Jinkee Pacquiao sa kanilang tibay ng relasyon bilang mag-asawa at buong pamilya. Talaga namang mabibilib ka sa kanilang pagmamahalan at matibay na pag-iibigan.



Credit: @jinkeepacquiao instagram

Sinubok man sila noon ng mga pr0blema sa kanilang relasyon, nalagpasan nila ito ng magkasama, kasama ng kanilang mga anak.

Credit: Manny Pacquiao Instagram

Sipag at tiyaga, kasama na rin ang pananalig sa Diyos, ang naging sikreto ng kanilang tagumpay. Kilala ang pamilya Pacquiao sa kanilang yaman at kasikatan. Nakilala na din sila sa kanilang busilak na puso at pagigibg bukas palad sa mga nangangailangan.

Credit: @jinkeepacquiao instagram

Kaya naman, tuloy tuloy pa ang biyaya na dumarating sa kanila para mas marami pang tao ang kanilang matulungan at mabigyan ng inspirasyon.



Credit: Manny Pacquiao Instagram

Kagaya ng ating mga kababayan, naranasan nating lahat ngayon ang community quarantine lalo na sa Metro Manila. Pahirapan talaga ang sitwasyon ngayon kaya kanya kanya na ng paraan kung paano ba gugugulin ito.

Credit: Manny Pacquiao Instagram

Sa post ni Pacman, mukhang fitness goals at healthy living ang tema ng quarantine ng mag-asawang ito. Sabay na nageehersisyo at nag eensayo ang mag-asawa sa boxing.

Mismong si Pacman pa ang nagtatrain kay Jinkee sa pagboboxing. Ano nga kaya ang feeling na ang trainor mo ay isang world champion? Kakayanin mo kayang magbitaw ng malalakas ng sunt0k sa kanya?

Credit: Manny Pacquiao Instagram

Karagdagan pa dito, talagang todo bigay si Jinkee sa pag-eensayo. Tila ganadong ganado siya lalo na at si Pacman ang kanyang nagsisilbing inspirasyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Manny Pacquiao (@mannypacquiao) on


Posible din naman talagang maabot ni Jinkee ang kanyang fitness goals sa regular boxing sessions na ito. Nakakabawas din naman ng fats at mapagpapawisan kang talaga sa paglalaro nito.



Credit: Manny Pacquiao Instagram

Sweet na sweet namang nagboboxing sessions ang dalawa. Siguradong maraming netizens na naman ang mapapa sana all sa kanilang dalawa. Busy man si Pacman, ang mahalaga ay mayroon pa rin silang quality time sa isa’t isa.