Chesca Kramer, proud sa kanyang anak na si Scarlett dahil sa ipinakita nitong husay at galing sa pagsayaw habang nasa pool

Lahat tayo ay may kani kaniyang mga talentong itinatago. Ang iba’y alam na ito at proud na proud na itong ginagawa at ipinapakita sa iba. Habang ang iba ay nauunahan pa ng hiya kaya di pa nila ito nakukuhang magamit.



Credit: Chesca Garcia Kramer Instagram

Sa iba naman, akala nila ay wala silang natatanging galing o talento. Sabi nga nila, ang talento ay parang isang regalo. Hindi mo ito makikita o magagamit hangga’t hindi mo ito dinidiskubre o binubuksan.

Credit: Chesca Garcia Kramer Instagram

Napakahalaga para sa isang bata na habang bata pa lamang ay nililinang na nila ang kanilang talento. Kaya ang mga applications gaya ng Tiktok ay mayroon ding magandang epekto lalo na sa mga bata dahil makikita mo nga naman halos sa mga bata na nailalabas nila ang kanilang hilig at talento sa sayaw. Basta’t nasa limitasyon at gabay ng magulang.

Credit: Chesca Garcia Kramer Instagram

Gaya na lamang ng IG post ni Chesca Kramer, ipinakita niya ang video ng kanyang anak na si Scarlett Kramer na talagang enjoy na enjoy sa kanyang pagsasayaw.

Habang sila ay abala sa pagsiswimming bilang bonding ng pamilya, bigla na lang tumayo si Scarlett at sumayaw .



Credit: Chesca Garcia Kramer Instagram

Talaga namang makikita mo na gustong gusto ni Scarlett ang kanyang sinasayaw at nag eenjoy din sa kanyang ginagawa. Bawat galaw at steps ay talaga namang ganadong ganado si Scarlett.

At ito naman ay talagang labis na ikinatuwa ni Chesca dahil nakita niya ang kaniyang anak na talagang napaka talented.

Credit: Chesca Garcia Kramer Instagram

“Dance like nobody is watching- and never be shy to express yourself! Let go and dance away! 💃💃💃 I love watching you my @scarlettlouvellekramer!!! ♥️,” pagsuporta ni Cheska sa kanyang anak.




Ipinapakita lamang nito na kahit bata pa lang si Scarlett ay mayroon na siyang lakas ng loob at confidence na ipakita ang kanyang galing sa pagsayaw.

Malay natin, maging isang professional dancer si Scarlett balang araw.