Marian Rivera, ipinasilip ang naging question and answer portion nila ng kanyang napakagandang anak na si Zia

Isa sa mga cutest celebrity kids ay si Baby Zia Dantes, ang panganay na anak ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera. Sa katunayan, nagtala pa siya noon bilang pinakamagandang celebrity kid sa Asya.



Credit: @marianrivera instagram

Sa IG ay makikita ang kanyang video na hinandog nya para sa kanyang Daddy Dingdong noong Araw ng mga Ama.

Bagay na bagay nga naman kay Zia ang kanyang Yellow dress at manang mana sa kanyang mommy at daddy sa ganda. Bukod sa ganda, napakatalino din nitong si Baby Zia.

Credit: @marianrivera instagram

Habang ang lahat ay may pakulo sa kanilang mga daddy, mala talk show naman ang naging handog ni Zia at Marian kay Dingdong.

Credit: @marianrivera instagram

“Dahil malapit na ang Father’s Day, kami naman ang may pakulo ni Ate Zia. May pa Q&A portion kami para sa #1Dad ng aming pamilya na always ready to love and protect us. #NidoMyFirstWins 💛 Swipe Left,” saad ni Marian sa IG.




Ilan sa mga tanong ay kung love ba ni Zia si Dingdong at ang kanyang naging sagot ay “Super Duper”. Talaga namang close na close ang mag-amang ito.

Credit: @marianrivera instagram

Tinanong din siya ni Marian kung ano ang gagawin ni Zia para ma protektahan ang kanyang Daddy. Nakatutuwang sagot ni Zia ay ipagpapray niya ito kay Papa God. Makikita nga naman sa sagot na ito na talagang tinuturuan ng kanyang mga parents si Zia lalo na sa pagiging maka Diyos.

Isa pa, tinanong din ni Marian kung paano maipapakita ni Zia ang kanyang pagmamahal sa Daddy. Sagot naman niya ay yayakapin niya daw ito at sasabihing “I love you”.

Credit: @marianrivera instagram

Nakakatuwa pa noong matapos ang interview ay hindi makapaniwala si Zia at sinabing “Why so quick?”



Credit: @marianrivera instagram

Talaga namang bright kid itong si Zia dahil sa kanyang mga sagot. Sabayan mo pa ng kanyang charm at ganda. Talagang nakaka bilib itong si Baby Zia.

Kaya naman, paniguradong tuwang tuwa si Dingdong sa video na ito.