Anne Curtis, ipinakita ang sobrang pagiging hands-on sa pag-aalaga ng kanyang anak na si Dahlia Amelie

Isa sa mga magandang katangian ng pagiging ina ay ang pagiging maaruga at maalaga sa anak.

Kahit na maraming tungkulin at responsibilidad ang pagiging ina, saya pa rin ang katumbas nito kapag nakita mong ngumiti ang iyong anak.



Credit: Anne Curtis Instagram

Naging ina na rin ngayon ang aktres, VJ, model, recording artist at isa sa mga host ng noon time show na It’s Showtime na si Anne Curtis Smith-Heussaff o mas kilala bilang Anne Curtis. Ikinasal ang aktres at ang si Erwan Heussaff noong November 2017.

Inanunsyo ng mag asawa na sila ay magkakababy noong November 10, 2019.

Credit: Anne Curtis Instagram

Noong March 2 ay ipinanganak na ang panganay na anak nilang mag-asawa at laking tuwa nila nang makita na si baby Dahlia Amelie.

“It’s an unexplainable kind of love—the kind I have never felt before. It’s so overwhelming and fills your heart to the brim with pure happiness,” yan ang kaniyang sinabi sakanyang IG post matapos iannunsyo ang kapanganakan ng kanyang anak.

Credit: Anne Curtis Instagram

Matapos ang ilang araw rineveal na ng mag asawa ang pangalan ng kanilang anak sa kanilang mga followers na Dahlia Amélie.

Kaya pinangalan itong Dahlia dahil nagkaroon ng breakthrough ang careen ni Anne sa showbiz noong siya ang gumanap na Princess Dahlia sa 1997 fantasy film na Magic Kingdom: Ang Alamat ng Damortis.



Credit: Anne Curtis Fans Instagram

Matatagpuan sa IG account ni Anne ang mga litrato ng kanyang anak at makikita dito na sobra sobra ang pagmamahal nito sa kanyang baby.

Credit: Anne Curtis Instagram

“I will always be here to love, protect, guide and hold her little hand every step of the way…even when that little hand isn’t so little anymore,” iyan ang isa sa mga caption sa post nito sa kanyang social media account.

Credit: Anne Curtis Fans Instagram

Kamakailan ay nagpost ito ng video kung saan binubuo nya mismo ang isang high chair na para kay baby Dahlia.



 

View this post on Instagram

 

Fun Part. Piecing it together. 🥰 Video from @annecurtissmith’s IGS

A post shared by Anne Curtis Fans (@fanneatics_) on


Pinapakita lang ito na super hands on mommy si Anne Curtis. Kaya ngayon ay full time mommy muna si Anne upang maalagaan ng mabuti ang kanyang first born.