Ryza Cenon, isiniwalat ang kanyang pinagdaanan sa ngayong 5 buwan nyang pagbubuntis

Marami nga naman noon ang nagulat kay Ryza Cenon nang magpost sya sa kanyang social media account na sya ay biglang nagpa short hair upang maiwasan ang sobrang pagkalagas nito.



Credit: Ms. Ryza Cenon Instagram

Ngayon naman ay mas nasundan pa ito ng mas magandang surpresa dahil inihayag nya na sya ay buntis na kitang kita sa kanyang mga ipinost na larawan dahil halata na din dito ang kanyang baby bump.

 

View this post on Instagram

 

Before & After 😁πŸ₯°πŸ‘ΆπŸ» πŸ“Έ: @nikogvillegas

A post shared by Ms. Ryza Cenon (@iamryzacenon) on


Ayon sa isang eklusibong interview kay Ryza Cenon ng pikapika.ph , isang entertainment site, isiniwalat ni Ryza ang kanyang pagbubuntis at sinabi nya sya ay 20 weeks pregnant na. Ang unang nakaalam daw ng kanyang kalagayan ay ang kanyang Viva Artists Agency handler na si Caryl Paraico.

Credit: Ms. Ryza Cenon Instagram

Noong Abril nang una syang kutuban dahil 2 months delayed na sya kaya naman gumamit na sya ng pregnancy test ngunit malabo umano ang inilabas na guhit nito kaya nagdesisyon na rin sya magpacheck up at dito nya nakumpirma na sya ay buntis.


Naging mah!rap din ang kanyang naranasang pagbubuntis simula nung kanyang 2nd trimester. Dito sya nagsimula na magsuka dahil sa morning sickness. Di rin sya masyadong nagki crave ng pagkain at patikim tikim lang sya.



Credit: Ms. Ryza Cenon Instagram

Inihayag din ni Ryza kung sino ang ama ng kanyang pinagbubuntis na bata. Ito ay si Miguel Cruz, isang magaling na cinematographer.

Dahil sa balitang ito ay marami nga namang mga kaibigan at netizens ang nagpaabot din suporta at nagbahagi ng kasiyahan para kay Ryza:

“Waaaahhh!!!! Another buntis!!! Congrats Ryza!!!! Dalaga ka na! Hahahahaha πŸ’–πŸ’–πŸ’–”

Credit: Ms. Ryza Cenon Instagram

“So happy for you GF!!!!❀️😍 God’s gift indeed! Love youuu❀️😍😘”

“AYAN NA β™₯️ I’m so happy for you 😍 Answered Prayer πŸ™”



“CongratZ…you deserve all the love in the world😍😍😍”

“Whew! Pretty Momma. Keep safe and be healthy.”