Kasambahay nina Rodjun Cruz at Dianne Medina, naiyak sa tuwa dahil sa ginawang surpresa para sa kanyang kaarawan

Ang mga kasambahay ay bahagi na ng bawat pamilyang Pilipino. Hindi sila iba o manggagawa ng pamilya dahil sila ay bahagi na ng pamilya. Iba ang dedikasyon, pagmamahal at sakr!pisyo ng ating mga kasambahay.

Imbis kasi na ang kanilang mga pamilya ang kanilang pinagsisilbihan, ang ibang tao o pamilya ang kanilang kasama para may ipangtustos sa pamilya.



Credit: Rodjun Cruz Ilustre Instagram

Kaya naman, nararapat lang na iparamdam ang pagmamahal sa kanila. Wala man sila sa tabi ng kanilang pamilya pero ang mahalaga ay randam nila ang pagmamahal ng isang pamilya.

Ang celebrity couple na sina Rodjun Cruz at Dianne Medina ang isa sa mga may ginintuang puso sa kanilang mga kasambahay. Sa kanilang IG, makikita ang kanilang espesyal na birthday surprise sa kanilang kasambahay na si Manang Nitz.

Credit: Rodjun Cruz Ilustre Instagram

“We love you Manang Nitz,” saad ng aktor sa video.

Maging si Dianne ay lubos na nagpasalamat sa kanya,”Thank you for cooking so much food for everybody.”

Credit: Rodjun Cruz Ilustre Instagram

Hawak hawak ni Rodjun ang cake. Nabigla na lamang si Manang ng biglang kumanta si Rodjun ng Happy Birthday song at pinablow ang candle kay Manang.

Bakas naman sa mukha ni Manang ang pagkabigla. Ilang minuto lang ay tila napaluha na siya sa tuwa dahil hindi niya inasahan ang surprise na ito.



Credit: Rodjun Cruz Ilustre Instagram

Ibang iba nga naman ang pakiramdam ni Manang Nitz. Sa kanyang pagmamahal at pagaalalaga kina Rodjun ay sinusuklian din ito ng kanyang mga amo ng pagmamahal.

 

View this post on Instagram

 

Successful ang Pag Surprise namin. #TeamILUSTRE

A post shared by Rodjun Cruz Ilustre (@rodjuncruz) on


Maging mga netizens ay talagang na touch sa ginawa nilang ito kay Manang Nitz:

“Mabait tlga yan c rojun cruz 😊 😊 💖 god bless idol 💖

“Bibihira nlang sa amo ang may ganyang ugali,yong pgmalasakitan ang mga kasambahay,swerte nya na ganyan sila hnd tumitingen sa pgkatao”



Credit: Rodjun Cruz Ilustre Instagram

“Sana gnyan lhat ng amo.mabait god bless po sa inyong mag asawa.”

“Sana all..ur so blessed Po manang sa mga amo nyu”

“God bless sa inyong mag asawa at good health Lalo na Kay Diane na preggy”