Vic Sotto, idinaan sa biro ang pagreto sa anak na si Vico Sotto para sa napakagandang Mayor na si Donya Tesoro

Araw-araw, isa sa mga inaabangan ng mga Pinoy televiewers ang segment ng Eat Bulaga na “Bawal Judgemental”. Kamakailan lang nang mag guest at maglaro ang ilan sa mga kilala at mga masisipag na Mayor mula sa iba’t ibang bayan at siyudad dito sa Pilipinas.



Credit: Donya Tesoro Instagram

Isa sa mga nandoon ay ang napakagandang alkalde ng San Manuel Tarlac. Sa kanyang edad na 28 taong gulang, siya ay nahalal na bilang alkalde ng kanilang bayan. Kaya naman, hindi maiwasang pag-usapan ang kaniyang love life at tinanong ito ng Eat Bulaga hosts na sina Vic Sotto, Paolo at Jose.

“Ano po ang type niyong boyfriend?” biglang tanong ni Paolo kay Mayor Donya.

Credit: Eat Bulaga! Youtube

Sumagot naman si Mayor na hindi siya tumitingin sa looks.

‘Ako kasi hindi naman ako particular sa looks eh. Basta hindi babaero … Siyempre ’yung maiintindihan ’yung trabaho ko,” pahayag ni Mayor Donya.

Credit: Eat Bulaga! Youtube

Kaya naman, bigla na lang biro ni Jose sa kanya,

“Kailangan mayor din ’yung mapangasawa mo!”




Kwento naman ni Mayor Donya, hindi niya priority sa ngayon ang love life dahil wala na siyang oras para dito.

Hindi tuloy maiwasan na i link si Mayora sa anak ni Bossing na si Pasig City Mayor Vico Sotto.

Credit: Vico Sotto Instagram

Tinanong pa ni Jose kung ano ang paboritong pagkain na meryenda ni Mayor Donya at tila gustong marinig ang salitang “biko” na katunog ng pangalan ni Mayor Vico.

Dahil dito, pumasok na sa usapan si Vic at tinanong kung may nanliligaw sa kanya.

“Hi Bossing! Parang wala. Parang ayaw naman nila sa akin,” sagot naman ni Mayora Donya.

Credit: Eat Bulaga! Youtube

Dali dali namang, pabirong inabot ni Bossing ang phone at kunwaring tinawagan ang anak.

“Hello Vico! Hello?” saad ni Bossing Vic. “Diniretso ko na.”



Credit: Eat Bulaga! Youtube

Pabirong pahayag naman ni Mayor Donya na halos sa mga tumatawag o nagtetext sa kanya ay mga nangungutang o humihingi ng tulong.

“Darating din ang biko may latik,” huling hirit pa ni Jose.