Pokwang, nagtaka kung bakit tahimik ang anak na si Malia, yun pala ay naglalagay na ng lipstick mag-isa

Isa sa mga normal na ugali ng mga bata ay ang kanilang kakulitan. Siyempre, bilang bata natural lang na ma curious sila sa iba’t ibang mga bagay. Kasama ng kanilang pagiging malikot, ay mahilig din silang magkalikot ng kung ano anong mga bagay.



Credit: @maila

Kaya naman, kapag may bata sa bahay ay normal lamang na maging hands on at talagang todo ang bantay para makita ang bawat kilos at maiwasan ang kung ano anong di kanais nais na pangyayari.

Credit: @itspokwang27

Pero, syempre kailangan din naman ng mga bata na mag explore basta’t nasa tamang paggabay at pagpapaliwanag sa kanila.

Credit: @itspokwang27

Sa IG post ni Pokwang, makikita si Baby Malia na tila busy sa kanyang ginagawa at may caption na,

“sabi ko na nga ba e….. delikad0 talaga kapag tahimik ka e…. tsk! Tsk! 😆😄🤣😆.”



 

View this post on Instagram

 

sabi ko na nga ba e….. delikado talaga kapag tahimik ka e…. tsk! Tsk! 😆😄🤣😆

A post shared by Mayette (@itspokwang27) on


Karaniwan nga naman itong sinasabi sa mga bata. Na kapag tahimik sila ay tiyak na may milgaro na silang ginagawa. Maaaring mayroon na silang kinakalikot o nagkakalat na ng kung ano ano.

Kaya nang tignan na ni Pokwang ang ginagawa ni Malia, talaga namang busy si Malia sa kanyang paglalagay ng lipstick.

Credit: @itspokwang27

Nakakatuwa na napaka busy at seryoso talaga niya sa kanyang paglalagay. Akala mo ay talagang marunong na marunong na siyang maglagay ng lipstick. Tila isang dalagita na talagang todo ang pagaayos ng mukha.

Ang mas nakakatawa pa ay nang makita niya ang kanyang mommy ay tuloy tuloy lang siya sa paggawa nito. At ang mas nakakatawa pa ay maging si Pokwang ay nilagyan pa niya ng lipstick.



Credit: @itspokwang27

Pagkakita naman kay Baby Malia, ay hindi pantay pantay ang pagkakalagay nito. Marami naman ang natuwa kay Baby at siyempre maganda pa rin naman si Malia kahit hindi maayos ang pagkakalagay ng kanyang lipstick.