Andi Eigenmann at Philmar Alipayo, nagdiwang ng kanilang anniversary at nagpalitan ng matatamis na mensahe sa socmed

Kamakailan lang nang ipagdiwang ni Andi Eigenmann ang kanyang 30th birthday. Isa sa mga ipinagpapasalamat ni Andi ay ang kanyang pamilya, mga anak at ang kanyang partner ngayon na si Philmar Alipayo.



Credit: Andi Eigenmann Instagram

At ngayon, ipinagdiriwang din nila ang kanilang anniversary.

Sa kanilang pagsasama, nakita naman natin kung gaano kasaya si Andi sa piling ni Philmar. Naging masaya si Andi sa isla at sa simpleng pamumuhay kasama ang kanilang anak na si Lilo.

Credit: Andi Eigenmann Instagram

Kaya naman, sa kanilang palitan ng mensahe ay makikita kung gaano kasaya si Andi sa kanilang relasyon at sa mga desisyon na kanyang ginawa.

Credit: Andi Eigenmann Instagram

“I made the best decision to choose happiness above all else. I am grateful for the life I have (and am able to give my kids), with you in it, it wouldn’t be the same. Thank you for always making me feel like I am on top of the world. Happy anniversary my mahal!🌸,” mensahe ni Andi kay Philmar sa IG.




Lubos ang pasasalamat ni Andi kay Philmar dahil naranasan niya ang tunay na kasiyahan sa pagmamahal sa kanya. Kaya naman, narito naman ang naging sagot ni Philmar kay Andi.

“Happy anniversary mahal ko. Mahalun ko kaw sanan ato little fam hangtod sa hangtod,” ang maikli pero malaman na mensahe ni Philmar sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

Happy anniversary mahal ko. Mahalun ko kaw sanan ato little fam hangtod sa hangtod 🖤

A post shared by Philmar Alipayo (@chepoxz) on


Sino ba ang hindi kikiligin sa dalawang ito? Mula sa kanilang nakakakilig na mga larawan mula noon, maaaninag sa kanilang mukha ang contentment at ang saya sa kanilang dalawa.

Nakibati naman ang mga netizens sa kanilang anibersaryo:

“Happy Anniversary!..Happy and contented is the key to your success of having a great family !!!love you Andi and Philmar”



Credit: Andi Eigenmann Instagram

“Happy anniversary to both of you…🎂💐God will always protect your family Andi…🙏😇

“wow stay strong lng wag bsta susuko…msrap mbuhy ng smple lng bsta ksma mga mahal mo….congrats to both of u”