Scarlet Snow Belo, sinurpresa ang kanyang daddy na si Hayden Kho ng isang napakagandang tie-dye shirt na sya mismo ang gumawa

Noong nakaraang Linggo June 21, ipinaramdam nga naman nating lahat sa ating mga ama ang ating pagmamahal at pasasalamat sa kanilang napaka espesyal na araw.



Credit: Scarlet Snow Belo Instagram

Father’s Day nga naman noong Linggo kaya kanya kanya ng paraan kung paano nga naman maipapakita ng mga anak ang kanilang pagmamahal at pasasalamat sa kanilang mga ama.

Ang iba’y binilhan ng sapatos, cake, damit o ipinagluto ang kanilang mga daddy. Quality time na bonding naman ang naging gimik ng iba. Habang ang iba ay idinaan sa espesyal na regalo.

Credit: Scarlet Snow Belo Instagram

Gaya na lamang ng napakacute na si Scarlet Snow Belo, anak ng mag-asawang Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho. Talaga nga namang napaka special ng ginawa ni Scarlet para sa kanyang Daddy Hayden.

Credit: Scarlet Snow Belo Instagram

Masayang masayang iniabot ni Scarlet ang paper bag kay Doc Hayden. Excited siya na makita ito ng kanyang ama. At nang buksan, isang personalized Tie-dye shirt ang kanyang ginawa para sa kanyang daddy habang siya din mismo ay naka tie-dye shirt para terno sila.



Credit: Scarlet Snow Belo Instagram

Napaka sweet nga naman talaga ni Scarlet sa kanyang daddy at syempre na appreciate talaga ito ni Hayden. Sabi nga ni Hayden, ay higit pa ito sa Hermes.

“I’m so happy my Daddy liked my surprise. I made it myself and I also made one for Mommy so that we can be the tie-dye family.☮️,” saad ni Scarlet sa kanyang social media account.

 

View this post on Instagram

 

I’m so happy my Daddy liked my surprise. I made it myself and I also made one for Mommy so that we can be the tie-dye family.☮️

A post shared by Scarlet Snow Belo (@scarletsnowbelo) on


Talagang wala nga namang brand ang mas makakahigit sa isang bagay na ginawa out of love lalo na ng special person sa ating mga buhay.



Credit: Scarlet Snow Belo Instagram

“I love you, Daddy ninja clown. You are very protective like a ninja and yet you’re also so fun like a clown (and oh also most handsome). Even my classmates always say that I have the best Daddy. I’m so happy I’m your daughter. I know God loves me because he gave me you. I love you daddy. Happy Father’s Day,” mensahe naman ito ni Scarlet kay Dr Hayden noong Father’s Day.