Sofia Andres, ipinasilip ang naging bonggang binyag ng kanyang anak na si baby Zoe na dinaluhan ng mga kapamilya, kaibigan at kilalang personalidad tulad ni Kathryn Bernardo

Matapos ang pagbabahagi at pagbabalik tanaw ni Sofia Andres sa kanyang panganganak kay Baby Zoe. May panibagong video post si Sofia sa kanyang IG.

Siyempre, pagkatapos ng panganganak ay mahalaga din ang sacrament of baptism. Kaya naman, ibinahagi sa atin ni Sofia ang pasilip na video ng naging Baptismal ceremony at celebration ni Baby Zoe noong February 7.



Credit: @iamsofiaandres instagram

Napakahalaga nga naman ng bautismo. Dahil ang sakramentong ito ay tanda ng pagpasok ni Baby Zoe sa Christian World. Ito din ay simbolo ng pagaalay sa buhay ni baby sa Diyos upang siya ay magabayan ng Panginoon sa anumang oras.

Kaya naman, napakahalaga nito at buti na lang bago lumobo ang dami ng naapektuhan ng C0VID ay naisagawa na ang bautismo ni Baby Zoe.

Credit: Nice Print Photography & Exige Weddings Facebook

Napaka enggrande nga naman talaga ng baptism ni Baby na makikita sa video. Mula sa set up sa simbahan ay randam mo nga naman ang ganda ng simbahan.

Credit: @iamsofiaandres instagram

Maging sa reception at celebration ay talaga namang walang kasing ganda ang set up. Nakakatakam pa ang mga cakes at cupcakes sa set ng reception. Hindi ba’t napakaswerte ni Baby sa kanyang mga magulang.



Credit: @iamsofiaandres instagram

“Thank you so much to all the people who’ve become a part of this intimately wonderful celebration. 👼 @niceprintphoto @partystationphils @sweetcreationsbymums,” saad ni Sofia sa kanyang caption.


Marami din ang nakapansin sa teen actress na si Kathryn Bernardo. Sa katunayan, isa si Kathryn sa mga ninang sa binyag.





Isa sa mga matalik na kaibigan ni Sofia si Kathryn kaya naman isa siya sa mga napiling ninang.

Bilang isang ninong o ninang, sila nga naman ang katuwang ng mga magulang sa pagpapalaki kay Baby. Sila ang magiging gabay din ng bata habang sila ay lumalaki.

Kaya naman, isa sa mga ito ay si Kathryn at talagang napaka blessed nga naman ni Baby Zoe sa kanyang mga magulang, kaanak, pamilya at maging sa kanyang mga god parents.