Daniel Miranda, ipinakita kung gaano sya ka-proud sa kanyang partner na si Sofia Andres matapos ipahayag ang pagkakaroon nila ng anak

Hindi biro ang pagiging isang ina. Mula sa sakr!pisyo na kanilang hinaharap habang sila ay nagbubuntis ay talaga namang napaka hirap at napaka komplikado.



Credit: @iamsofiaandres instagram

Mas lalo na kapag sa mismong panganganak. Sabi nga nila, nasa hukay ang isa nilang paa sa tuwing sila ay nagdadalang tao at iluluwal na ito. Pero sa kabila ng lahat ng banta ng pangan!ib na ito, nagiging matatag at malakas sila para sa kanilang pamilya.


Iyan nga naman ang lakas ng isang ina. Gaya na lamang ng lakas na ipinakita ng celebrity first time mom na si Sofia Andres. Sa kanyang IG, ay makikita ang isang video na kanyang inupload at ibinahagi ang kanyang pregnancy journey.

Napakalakas nga naman talaga ni Sofia. At sa bawat paglaban ni Sofia ay hindi siya iniwan ng kanyang partner na si Daniel Miranda. Sabi nga ni Sofia sa video na kaniyang inupload, “we’re all on this together” ang pinanghahawakan nilang dalawa.

Credit: Daniel Miranda Instagram

Kaya naman, sa lakas at tatag ni Sofia ay may isang Daniel na nagpapalakas din sa kanya. Proud na proud si Daniel kay Sofia at talaga namang todo ang suporta sa kanyang partner.

“I’m so proud of you love, such a strong and beautiful girl ❤️ I’ll be here for you and Zoe always 🙏🏻,” saad ni Daniel Miranda sa kanyang IG.



 

View this post on Instagram

 

I’m so proud of you love, such a strong and beautiful girl ❤️ I’ll be here for you and Zoe always 🙏🏻

A post shared by Daniel Miranda (@danielmirandaa_) on


Bagay na talaga namang kinakilig ng marami dahil sa sweetness at suporta ni Daniel sa kanya at sa kanilang baby Zoe.

 

View this post on Instagram

 

First Fathers Day, I Love You Very Much!! ❤️👨‍👧

A post shared by Daniel Miranda (@danielmirandaa_) on


Sana all nga daw ay may Daniel dahil sa video na inupload ni Sofia ay makikita kung gaano kaalaga sa kanya si Daniel. Mula sa paglabas ng bahay, pagkain at pag alaga sa baby ay talagang todo ang asikaso niya kay Sofia.



Credit: Daniel Miranda Instagram

Ipinakikita lamang nito ang malalim na pagmamahal ni Daniel sa kanya. Kaya naman, ngayon ang pagmamahal na ito ay may bunga na, si Baby Zoe.