Mariel at Robin Padilla, naghanda ng masasarap na pagkain para sa kanilang mga kasambahay at kasama pang magswimming bilang pagbati sa kanila noong Mother’s day

Sa tuwing aapak na ang ikalawang linggo ng Mayo, nagdiriwang ang lahat upang bigyang pugay at parangal ang ating mga pinakamamahal na ina. Sa kanilang aruga at pagmamahal, ay talaga nga namang deserve na deserve nila ang araw na ito.



Credit: Mariel Padilla Youtube

Kaya naman, para sa host na si Mariel Rodriguez Padilla ay napakahalaga talaga ng Mother’s Day para sa kanya.

Credit: Mariel Padilla Youtube

“To me Mother’s Day is most important. Iba ang hirap at saya ng pagiging ina. I wanted all the moms in our household to feel that they should and deserve to be honored. Salamat dahil nanay nanayan din kayo ni [Isabella],” ayon kay Mariel.

Credit: Mariel Padilla Youtube

Pero, hindi lang siya ang nagdiwang ng Mother’s Day sa kanila kundi ipinag celebrate din niya ang kanyang mga kasambahay.




Makikita sa mga post ni Mariel na ipinaghanda pa niya ng pagkain ang kanyang mga kasambahay. Matapos nito, ay masayang masaya pa silang nag swimming at nag bonding.

Credit: Mariel Padilla Youtube

“My other mommies at home! We celebrated Mother’s day all together, isn’t [it] so amazing and so meaningful to give importance to our household mommies who are also giving their time to help my Mommy and Daddy to take care and be with me when they are at work?,” sambit pa ni Mariel.

Credit: Mariel Padilla Youtube

Ito ay patunay lamang kung gaano kalalim ang pagmamahal ni Mariel sa kaniyang mga kasambahay. Itinuturing na din niya itong bahagi ng pamilya na talaga namang nakakamangha.

“I love you all, I appreciate [you] so so much and I hope you all love the flowers! Happy Mother’s day,” pahayag pa ni Mariel.



Credit: Mariel Padilla Youtube

Maging si Robin Padilla ay nagpaabot din ng kanyang pagbati.

“The best of all days is [Mothers’] day because without the Mothers…we will not exist,” pagbati ni Robin.

Binati din niya ang kanyang mga pamilya at kaibigan na sina Kylie Padilla, Queenie Padilla, ang kanyang inang si Eva Cariño-Padilla, at kasama sa industriya na sina Kris Aquino, Toni Gonzaga-Soriano, Bianca Gonzalez-Intal, at Sharon Cuneta.