Ang napakaganda at napakalawak na bahay ni John Estrada na may Golf course view at magarang swimming pool

Sikat na sikat ang artistang si John Estrada mula pa noon. Sa kanyang mga comedy films, at mga maaksyon na pelikula ay nakilala rin siya. Mas sumikat pa si John nang sumabak na sa mga noon time show na kung saan kasama niyang host si Randy Santiago at Willie Revillame.



Credit: John Estrada Instagram

Kinalaunan ay nagsettle na rin si John at pinakasalan si Priscilla Meirelles na kung saan nabiyayaan sila ng anak na si Anechka.

Ipinakita naman sa atin ni John ang napakalaking real estate property niya na talaga namang nakaka akit sa ganda. Mala paraiso ito sa Dasmariñas Cavite na mamamangha ka sa lokasyon at tanawin.

Credit: John Estrada Instagram

Nangingibabaw sa bahay ang pagiging moderno nito at ang minimalistic nitong disenyo. Kaya naman, puno ito ng mga open spaces. Napaka aliwalas pa sa pakiramdam na makita ang view at nakakagaan ng pakiramdam ang vibe na hatid nito.

Credit: John Estrada Instagram

Makikita mo nga naman ang mga malalaking glass windows at dito mo masisilayan ang malawak na scenic view ng golf-course at ang buong tanawin ng kaniyang property.



 

View this post on Instagram

 

Day 31 … 5 hours … 22 minutes … and 45 seconds lockdown … whos counting anyways … stay safe my friends …. ❤🙏👊

A post shared by John Estrada (@john__estrada) on


Napakaganda din ng kanilang swimming pool. Sa pool ay tatambad sayo ang nakaka relax na tanawin ng kanilang golf-course. Sa swimming pool laging nag bobonding ang magpapamilya lalo na si Anechka at John dahil past time at bonding na nila ang paglangoy.

Credit: John Estrada Instagram

Samantala, mayroon naman itong sariling living room sa itaas sa second floor. Ito ay personal space nila dahil dito sila laging nag bobonding bilang pamilya kapag walang mga bisita.

Credit: John Estrada Instagram

Siyempre, hindi mo nga naman maiaalis dito ang golf course na masasabi mong hilig din ni John Estrada at ng kaniyang mga kaibigan.

Credit: John Estrada Instagram

Isa din kasi ito sa mga libangan ni John.



Credit: John Estrada Instagram

Nakakamangha ang property na ito ni John na kanya din namang nakamit na bunga ng sipag at tiyaga.