Rodjun Cruz at Dianne Medina, sobrang abala sa pagtulong sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng kanilang online selling business

Kamakailan lang ay naiulat natin ang ginagawang pagtulong ng mag-asawang Rodjun Cruz at Diane Medina sa ating mga kababayan ngayong panahon ng C0VID.



Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram

Sila din ay kasapi ng organisasyon na Bayanihan.ph na naglalayong tumulong sa mga front liners at mga nangangailangan nating mga kababayan. Ibinhagi din ni Dianne na tumutulong din siya sa mga fund raising nito sa pamamagitan ng pag oonline selling.

Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram

Malaking tulong ang mga paraan na ito para mas marami pa ang maabutan ng tulong ng Bayanihan.ph.

Kaya naman, sa IG ni Dianne ay makikita ang mga binebenta niya sa online na magagamit din naman natin lalo na ngayong panahong ito.

Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram

Ilan sa mga items na kaniyang itinitinda ay mga PPE, Face shields, 3 ply Surgical Mask, N95 mask, Disnfectant Mat, 2 ply cotton mask, Alcohol, Vitamin C at Rapid Test Kits.



Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram

“Selling the following items please swipe ▶️ PPE, Face shields, 3 ply Surgical Mask, N95 mask, Disnfectant Mat, 2 ply cotton mask, Alcohol, Vit C and Rapid Test Kits 🙏🏻 This is my way to help workers ( sewers, mechanic, automotive, delivery drivers) who doesnt have work by promoting their products,” saad ni Dianne sa kanyang IG.


Paliwanag pa ni Dianne na ang mga ibang malilikom at kikitain ay idodonate niya sa Bayanihan.ph.

“Extra earnings will be donated to @bayanihan_ph ❤️ if interested please DM me ( instagram, email [email protected], facebook page maria patricia dianne medina) will personally answer to all your inquiries. Thank you Everyone! Godbless and Keep Safe ❤️,” sambit pa ng post ni Diane.

Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram



Nakakatuwa nga naman ang mga ganitong klase ng pagtulong. Komportable man sa buhay o nakaangat man sa iba, mas iniisip pa rin nila kung paano sila makakatulong na mapaangat at mapaayos din ang buhay ng iba.

Kaya naman, sa panahon na ito mas mahalaga ang pagtutulungan at pagkakaisa, ang tunay na diwa ng bayanihan.